Advertisers
NAKAKADISMAYA dahil hindi akalain ng inyong abang lingkod sa inasta ni SWOH. Ganito kabastos ang pangalawang pangulo sa bansa at madla. Sa makulay at matalinhagang kasaysayan ng Kongreso, bukod sa pagsara nito nang sumambulat ang Pangalawang Digmaang Pandaigdig, hanggang ipinasara ito ng nakatatandang Marcos noong 1972, hindi nayanig ang mga haligi ng ating Kongreso katulad ng nangyari noong nakaraang Martes Agosto 27,2024. Aaminin ko po, hindi ako tagahanga ng kasalukuyang Kongreso, ngunit nagalit ako sa pagyurak na dinanas nito sa kamay ng pangalawang pinakamataas na opisyal ng bansa. Sa isang haligi ng ating pamahalaan, na sinumpaan niyang ipagtanggol at paglilingkuran ng buong katapatan.
Hindi pa ito nasaksihan ninuman, mula noong itinatag ang National Assembly noong 1907, hindi ito nakaranas ng pagyurak mula sa isang tao, na nandoon upang ipagtanggol at bigyan ng katuturan ang hinihingi niyang pantustos sa kanyang tanggapan. Ang taong ito ay hindi nagmungkahi, kundi inutusan ang Camara de Representante na palitan ang tagapamuno ng komite kung saan humihingi siya ng pondo! Ang taong gumawa nito ay walang iba kung hindi ang pangalawang pangulo ng Republika ng Pilipinas si Sara Duterte. Hanggang sa kasalukuyan umuugong pa sa pamalitaan ang ginawa niya.
Ang naging usapan tuloy ay ang kakayahan ng pangalawang pangulo na mamuno lalo na sa pagkakataon na kailangan siyang mamuno. Opo, kaya niyang palitan ang pangulo sakaling kailangan niya itong palitan, pero kaya ba niyang mamuno ng matino sa bansa? Ibabahagi ko sa inyo ang proseso ng pagkalap ng pondo sa pamahalaan mula sa isang taong itago natin sa pangalang Heidi Mendoza, dating COA Commissioner. Ani Heidi, meron dalawang pangunahing proseso na nasa poder ng Coa, ang audit at adjudication process. Ang adjudication process ay bahagi ng due process, kung saan nirerepaso ang ginawa ng auditor. Ang gawain ng auditor ay ang sumusunod: Kung walang financial losses- pupunta at mapapabilang sa Audit Observation Memo o kaya ay sa tinatawag na Management Letter.
Kung may financial Loss ang tanggapan, pwedeng Notice of Suspension (NS) o Notice of Disallowance kung paggastos ng pera, at Notice of Charge naman kung nauukol sa pagkita o revenue. Basic accounting procedure po ang ipinapaliwanag ni Ma’am Heidz dito na dapat alam ni Sara, o pinulong ng tagapagpayo niya, kung meron man. Sapantaha ko?Ito ang nasisipat ng inyong abang lingkod: Una, ang katinuan ng pagiisip ni SWOH. Maayos ba ito?Nakakatanggap ba ng kaukulang payo ang pangalawang pangulo? Isinasaalang-alang ba niya ito?
Pangalawa ay ang katapatan ng pangalawang pangulo; sa pamahalaan, at sa liderato kung saan siya ay bahagi. Ito ang pinaka matalinhagang tanong. Kaya ba niyang manatili sa tungkulin niya ng buong katapatan? Base po sa nakikita ko hindi. Sa maikli? Mapanganib si Sara Zimmerman Duterte at ang nakikita niya ay bahagi ng tinatawag na “squid tactics”, na maihahalintulad sa kapag nasiealat o na-corner, nagbubuga ito ng maitim na tinta na parang pusit, upang makaiwas sa panganib. Sa pangalawang pangulo, ito ang nagtatapang-tapangan upang makaiwas sa matatabil na tanong mula sa Kamara.
Sa Setyembre 10 ang patuloy ng House Hearing. Tingnan natin kung may tinta pang ibubuga si SWOH na sa inyong lingkod, isa siyang oportunista at ulupong sa damuhan. Tahimik, ngunit nakaabat manuklaw. Sinisigurado ko ito ay nanunuklaw ng traydor. Sa pagtuldok, sino ngayon ang mas bastos sa dalawa? Ang anak, o ang ama na dating pangulong serial killer? Sa pananaw ng abang kolumnistang ito, magmimistulang catcher sa baseball ako dito, para sumasalamin sa punto-de-vista ng nakararami nating kababayan. Ang ama na dating presidente at serial killer, wala na sa katungkulan, at sa maraming kinakaharap, kumbaga sa patabaing baboy kapon na siya at tapos na ang maliligayang araw niya.
Dito sa anak? Kapag siya ang namuno magpaparang saranggola tayong lahat, eektad, at tuluyang kakalembang kaya dapat manatili tayong maagap, dahil angsinaboy na masamang binhi ay nasa katungulan. Maaaring gumawa ng hindi maganda. Sa pagtapos, Malaki ang pinsalang dulot ng administrasyon ni Rodrigo Duterte at nananatiling nagbabadiyang panganib ang pananatili ni Sara Duterte sa poder. ‘Eka nga ni Gat Marcelo H. Del Pilar:
CÁ INGAT CÁIO.
***
PINAIGTING ng pulahang tsina ang panunupil sa teritoryo natin sa WPS. Ngunit nananatili tayong hindi natitinag sa kanila. Bagkus, pinalalakas natin ang ating katihan sa pagkakaroon ng mga bagong kagamitan at sandata mula sa Estados Unidos. Sa panayam kay Romeo Brawner, pinuno ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at US-Indo Pacific Command Commander Admiral Samuel Paparo na bukas siya sa anumang maaaring maganap sa isyu ng WPS, at sa pagkakaroon ng joint patrol ng Hukbong Katihan ng dalawang bansa.
Ang pulahang tsina ay nambubully. Tayo, bilang panig na inaapi ay kumakalap ng gamit bilang pananggalang at pangontra sa kanila. Nararapat ito at walang sinuman ang maaaring pumigil dito. Kung ihahalintulad ito sa away-kanto, maniniguro ang inyong abang-lingkod na may resbak siya. Hindi panggugulang ito, at nararapat lamang ito. Uulitin ko: Ang pulahang tsina ay walang isang salita at hindi dapat pagkatiwalaan. Tapos na tayo sa pakikipag usap.
***
MALAKI at malawak ang sapot ng gagamba na natutuklasan natin. Mga matataas na opisyal ng PNP, si Bong Go at si Bato dela Rosa ay nadadawit ngayon sa mga naganap na EJK. Lahat ng ito ay naganap noong administrasyon ni Rodrigo Duterte. Ang masasabi ko? Ang naturang sapot ay nagtatag sa galaw ng mga sindikatong kinasasangkutan ni Bato, Go, maging si Digong. Ito ay bunga ng pagkasangkot nila sa mga Chinese Triad, sa ilang daang taon na gumagalaw.
Sila ang nasa sentro ng sapot, at ang mga galamay nila sa Pilipinas ay ang tinukoy kong tatlo. Malawak ang sakop ng sapot. Ngayon pa lang natuklasan ito. Aabot ito hanggang sa PNP, hanggang sa tanggapan ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Sa pagnanais ng tatlong tinukoy ko( si Bato, Go at Digong) na maging gagamba, sila ngayon ay nag papara ng mga gagamba na nasilo sa sarili nilang sapot. Ang lahat ng nasa loob ng sapot, si Huo Gua Ping, Sheila Leal Ong o Zhang Mier, ang mga binanggit ni Cassie Ong; lahat sila ay magkakapatid sa Triad. Magkapatid, mag-ninong ang kasapakat. Mga Triad, mga gangster.
Masalimuot at matalinhaga at nakakagulat, at ito ang nababasa ng inyong abang lingkod. Ang katotohanan ay, sa kalaunan isiniwalat din.Abangan ang coming soon. Kasihan nawa tayong lahat ni Poong Kabunian.
***
JokTaym:
Daghang salamat Sa kaibigan kong burukrata na itatago lamang natin sa pangalang Usec Elmer Mesina sa inspirational nenok:
BOY: Uy nakita kita kanina ha ha ha…
GORL: Ha, saan?…
BOY: Ang cute mo pala if person…
(Kung hindi person, ano kaya, labatiba? Toink… )
***
mackoyv@gmail.com