Advertisers

Advertisers

Pagkilos ni CHED Chairman Prospero de Vera, inaabangan

0 235

Advertisers

Nananawagan ang mga mag-aaral sa isang Pamantasan sa Kalakhang Maynila na sana raw ay aksyunan ni Commission on Higher Education (CHED) chairman Prospero de Vera ang kaso ng kanilang kasalukuyang university president na walang tamang kwalipikasyon para maupo sa puwesto.

Ang nasabing pangulo, ayon sa kanila, ay hayagang lumalabag sa requirement mismo ng CHED na dapat, ang mga president ng mga universities at colleges ay mayroong doctorate degree (Ph.D.) o Ed.D. (Doctor of Education). Bukod diyan, isa pang paglabag ng nasabing pangulo ang kawalan ng ‘substantial administrative and academic experience as dean, vice president or chancellor of a university.’

Dapat din daw na ito ay may ‘proven track record as an administrator of a tertiary level institution (President, Vice-President, Dean, Campus Administrator, Academic Director reporting directly to either the President or Vice President).’



Ang regulasyong ito ay dapat na sundin ng lahat ng unibersidad at kolehiyo sa buong Pilipinas, ke private o public man ang paaralan, ke national o local man ang nagpapatakbo.

Bukod sa mga nabanggit, bagsak din daw ang kanilang university president kung tamang pag-uugali ang pag-uusapan.

Isa kasi sa mga hinihinging ugali na kailangang kaakibat ng naturang puwesto ang pagkakaroon ng ‘appropriate due diligence and empathy during times of crisis and tragedy’ o sapat na masalakit sa oras ng krisis o trahedya,’ bagay na hindi raw makita sa kanilang university president.

Dahil ilang buwan na lang ay graduation na, nangangamba ang mga mag-aaral sa epektong dulot sa kanila kung ang pipirma dito ay ang kanilang university president na hindi kwalipikado para sa kanyang hinahawakang posisyon dahil pupuwedeng hindi makonsidera na ‘valid’ ang kanilang diploma.

Bukod diyan, siguradong apektado rin ang katayuan ng kanilang unibersidad sa mata ng komunidad ng sector pang-edukasyon dahil nga walang sapat na kalidad ang namumuno dito.



Ang pananatili ng isang di kwalipikadong presidente sa isang unibersidad ay hindi dapat na pabayaan lamang ng CHED dahil ito ay insulto sa CHED mismo na lumalabas na hayagang pinalulusutan ng di kwalipikadong university president.

Sana ay umaksyon ang CHED dahil kapakanan at kinabukasan ng libong mag-aaral ang nakasalalay, pati na rin ang katatayuan ng apektadong unibersidad pati na rin ng mga nagtuturo at empleyado nito.

Mahigpit ang mga requirements para makapagturo sa nasabing unibersidad pero ang presidente mismo may mga paglabag. Ito ay isang pagkakamali na dapat ituwid ng CHED, na pinamumunuan ni Prospero de Vera III bilang chairman. Sana.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon o impormasyon.