Advertisers

Advertisers

DESISYON NG MMDA SA ‘DI PAGPAYAG SA MENOR DE EDAD SA MALLS, SUSUNDIN – ISKO

0 445

Advertisers

SINABI ni Manila Mayor Isko Moreno na ang desisyon sa hindi pagpayag sa mga menor de edad sa mga malls na inanunsyo na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang siyang susundin ng lungsod.

Nauna rito, sinabi ni Moreno na siya at si Vice Mayor Honey Lacuna, kabilang na ang mga kinuukulang tanggapan, kawanihan, departamento at miyembro ng konseho ng lungsod, ay masusing pinag-aaralan ang desisyon kung saan ang pangkalusugan sitwasyon ng lungsod ang pangunahing bibigyan ng kunsiderasyon, ito ay sa gitna ng pahayag ng DILG na ang mga bata ay maari ng payagan sa malls kung may kasamang magulang o guardians.

Dahil lumabas na ang desisyon, sinabi ni Moreno na inaatasan niya ang lahat ng mga mall operators at pinuno ng barangay sa Maynila na sumunod sa regulasyon.



“Kailangan po nating patuloy na mag-ingat at makinig sa payo ng mga eksperto patungkol sa pagpapahintulot sa mga menor de edad na pumasok sa mga malls. We can never go wrong with scientific data coming from the experts,” ayon sa alkalde.

Sinabi pa ni Moreno na bagamat unti-unti ng lumuluwag ang mga regulasyon dahil sa muling pagbubukas ng komersyo ay dapat pa rin na bigyang pansin na ang COVID-19 ay narito pa rin at nasa paligid lamang at nanatiling banta sa ating buhay.

“Hangga’t may isang kaso ng sakit na ito, kailangan po natin pangalagaan ang isa’t -isa. Paalala pa rin po sa lahat na magsuot ng face masks at face shields kung mayroon at maghugas ng kamay kasabay ng pag-obserba sa social distancing,” ayon pa sa alkalde.

Binaggit din Moreno na ang Maynila ay nasa magandang kalagayan na ngayon kung ihahambing sa mga nakaraang buwan pagdating sa bilang ng mga tinatamaan ng coronavirus at hindi papayagan ng lokal na pamahalaan na madiskaril ang magandang sitwasyong ito.

Ito ayon pa kay Moreno ay mapapatunayan sa pamamagitan ng low occupancy rate sa mga city’run hospitals at quarantine facilities.



Samantala ay muling iginiit ng alkalde ang katiyakang patuloy na ginagawa ng pamahalaang lungsod ang lahat ng makakaya nito kontra sa COVID-19 para mahadlangan ang pagkalat at tuluyan na itong mawala. (ANDI GARCIA)