Advertisers
KALABOSO ang dalawang mag-amigang labandera matapos masamsaman ng P3.4 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Caloocan City.
Kinilala ang mga naaresto na sina Mary Jane Malabanan alyas “MJ”, 49, ng Barangay 159, Sta. Quiteria, Caloocan City; at Grace Palacio, 48, ng Brgy. 160, Sta. Quiteria.
Ayon sa ulat, isinagawa ang operasyon laban sa mga suspek 11:20 ng gabi sa 278 Bayanihan St., Brgy. 159.
Binentahan umano ng isang medium transparent plastic bag na naglalaman ng shabu ang isang undercover na pulis.
Tinatayang nasa 500 gramo ng shabu ang nasamsam sa mga suspek na nagkakahalagang P3.4 milyon.
Paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang ikakaso sa mga dinakip. (Beth Samson)