Advertisers

Advertisers

Liza ubos na ang savings kaya balik-Pinas?!

0 20

Advertisers

Ni Archie Liao

SINABI ni Liza Soberano sa isang interbyu na bago matapos ang taon ay titiyakin niyang ibahagi sa kanyang mga tagahanga ang mga bagong proyektong gagawin niya after Hollywood debut in “Liza Frankenstein.”

Ayon pa sa actress, magbabalik umano siya sa paggawa ng serye ngunit tikom pa ang bibig niya kung anong TV series ba ito or saang platform ipalalabas.



Excited din niyang ibinida na magkakaroon din siya ng reality show at pelikula.

Umani naman ng samu’t saring reaksyon ang kanyang pahayag na magbabalik-teleserye na siya.

Sey ng mga nagmamaldita, naubos daw ang savings ng aktres sa pagbabakasakali nito sa Hollywood kaya balik-Pinas ito.

May mga nagtanggol naman sa aktres na nagsabing totoong may offers dito at posibleng ang seryeng gagawin niya ay kukunan sa Pinas.

Ito ang ilan sa kanilang mga reaksyon.



“I guess baka naubos na ang savings niya sa US so balik pinas ulit to earn money. Sayang talaga ngayon bagsak ulit siya sa pinas.”

“Don’t burn bridges kasi.”

“Gets ko yung sentiments niya noon na kailangan daw ng loveteam para magthrive sa PH showbiz at puro raw si Enrique na lang pinartner sa kaniya, PERO TEH LET’S BE REAL, wala siyang talent. Bagsak sa actingan, bagsak sa singing, bagsak sa sayawan, bano maghost. All she really has is a pretty face at kaloveteam na pumapatok kapag kasama siya. Magreklamo siya na hindi siya pinapartner sa iba o hindi binibigyan ng solo projects kung kaya niya magdala.”

“I was right babalik nga siya dito. Pero at least she tried. Nakakaubos talaga ng savings ang Hollywood dream lalo na at wala namang kasiguraduhan doon. Pero after what she has said, may tatanggap pa ba?”

“May mga projects pa rin siya sa US. Preprod pa lang, finding investors so while that isn’t shooting pa she is free to accept offers elsewhere”

“Huh? Is it really that bad to pursue her dreams and passion? Pag bumalik dito kasi ubos na ang savings?”

“I watched the vid. There wasn’t any indication na PH Tv babalikan niya but she said she has a tv series, reality show and a movie”

“if this is true, classic case ng kakainin nya ang sinuka na nya. haha. nakakawala ng hope!”

“Gosh after everything she said?”

“Didn’t she burn bridges with ABS?”

***
CCP art collection, nasa Bencab Museum na
ANG Sentrong Pangkultura ng Pilipinas sa pakkikipagtulungan ng BenCab Museum ay naglunsad kamakailan ng dalawang bagong art exhibitions.

Ito ay ang Visions on Paper at Chronicles in Ink: Philippine Printmaking through the Decades, kung saan ang mga piling art collection ay makikita na ng publiko sa BenCab Museum’s Sepia Gallery at Gallery Indigo hanggang Setyembre, 2024.

Layunin ng traveling exhibitions na i-showcase ang mga importanteng likha ng Pinoy visual artists mula sa CCP 21st Century Art Museum (21AM) Collection.

Ang exhibition program na ito na inorganisa ng the CCP Visual Arts and Museum Division at suportado ng BenCab Museum, ay pagpapatuloy ng bisyon ng ahensiya na maging accessible sa madla ang sining habang isinasaayos ang rehabilitasyon ng CCP Main Theater.

Ang participating artists sa exhibition ay sina National Artists Benedicto “BenCab” Cabrera, Felipe de Leon, Atang dela Rama, Victorio Edades, Amado Hernandez, Jose Joya, Arturo Luz, H.R. Ocampo, at Guillermo Tolentino.

Ang mga obra rin nina Jose Garcia Villa, Joseph Abando. Ambie Abaño, Raymundo Albano, Ivi Avellana-Cosio, Virgilio Aviado, Santiago Bose, Mars Bugaoan, Benjie Cabangis, Benjamin Torrado Cabrera, Jandy Carvajal, Florencio B. Concepcion, Evelyn David, Cian Dayrit, Fil Delacruz, Noell El Farol, Imelda Cajipe Endaya, Josefina Escudero, Brenda Fajardo, Lynden Garcia , Ofelia Gelvezon-Tequi, Bernadette Gular-Becares, Ojeng Jocano, Flora Mauleon, Omar Noble , Romulo Olazo, Nonon Padilla , Rod. Paras-Perez, Rhoda Recto, Cenon Rivera, Manuel Rodriguez, Sr., Marcelino Rodriguez, Rodolfo Samonte, Danny Sola, Manuel Soriano, Des Tenorio, at Efren Zaragoza ay available rin for public viewing.

Ang Visions on Paper sa Sepia Gallery ay tatakbo hanggang Setyember 1, 2024 samantalang ang Chronicles in Ink: Philippine Printmaking through the Decades sa Gallery Indigo ay hanggang Setyembre 29, 2024.