BY MOVIEGOERS DEMAND… ‘LOVE CHILD’ NINA JANE AT RK BALIK SINEHAN SA AUGUST 28; MONET LU NAKIPAG-BONDING KINA RUFFA, LORIN, DONITA AT KYLE
Advertisers
Ni Peter S. Ledesma
GAYA ng naisulat namin dito sa aming I SPY column, isa sa most successful films sa katatapos lang na CINEMALAYA 2024 ay ang “LOVE CHILD” ng Regal Entertainment at Southern Lantern Studios. At dahil matagumpay nga ang pelikulang ito ng real sweethearts at loveteam na sina Jane Oineza at RK Bagatsing at son nila sa movie na si Kali (John Tyrone Ramos) na may autism spectrum disorder at demand na rin ng mga moviegoer na mapanood ito sa mas maraming sinehan nationwide, this August 28 ay showing na ang LOVE CHILD at Rated PG ito ng MTRCB.
Yes, this is for all ages. At ihanda ang mga puso at magdala ng panyo sa sinehan at tiyak na maaantig kayo at maiiyak sa heartwarming story nina Ayla (Jane) at Pao (RK) rito. Na sa bawat araw-araw nilang pakikipaglaban sa buhay kasama si Kali ay lagi nilang kakampi at kadamay ang kape at inhaler.
Ang LOVE CHILD ay dinirek ni Jonathan Jurilla at ang pelikulang ito ay tribute sa namayapang Nanay ng showbiz at Reyna ng Mga Movie Producer na si Mother Lily Monteverde. Dahil tulad ni Ayla ay unconditional din ang ipinadama at ipinakitang pagmamahal ni Mother Lily sa mga anak.
***
AFTER ng matagumpay na Coronation Night ng Miss Philippines USA, Miss Young Phils. USA at Mister Philippines USA 2024 sa Glendale Theatre California, USA, bukod sa pag-aasikaso sa dinudumog niyang MONET LU SALON sa Hollywood, California, nakipag-bonding naman si Monet sa mga close na celebrity na sina Ruffa Gutierrez, Donita Rose at Angel Bonilla sa isang classy resto sa Beverly Hills na CIPRIANI. At noong bumalik si Ruffa sa Los Angeles para samahan ang daughter na si Lorin ay nakipag-bonding ulit ito kay Monet at nakasama pa nila si Kyle Echarri na katatapos lang ng performance sa ASAP NATIN ‘TO LIVE IN CALIFORNIA. Well, malapit kasi si Monet sa Gutierrez family especially kay Tita Annabelle Rama kaya naging malapit din sa kanya ang mga anak ng kaibigang si Bisaya. Kaya lahat ng special event ng pamilyang ito once na nasa Pinas si Monet ay invited siya.
Gaya ng birthday party ni Eddie Gutierrez last January ay naka-attend siya. Masaya si Monet at hanggang ngayon ay maraming artista, singer at beauty queens na mga nagmamahal sa kanya.