Advertisers
NAGHARI si Filipino chess player Wesley So sa Skilling Open Championship.
Ito ay matapos na talunin si world number 1 Magnus Carlsen.
Kinailangan pa ni So ng playoff para talunin ang Norweigan player na natiyempuhan na kaarawan pa nito.
Sinabi ni So, na sa una ay humihingi ito ng paumanhin dahil sa tila sinira nito ang pagdiriwang ng kaarawan ni Carlsen.
Dahil sa panalo ay nakapag-uwi ito ng $30,000 bilang premyo.
HIndi lamang ito ang unang pagkakataon na tinalo ni So si Carlsen dahil noong November 2019 ay tinalo na ng Cavite native ito sa World Fischer Random Chess Championship sa Norway.
Magugunitang nirepresenta ni So ang Pilipinas bago tuluyang sumali sa US chess federation.