Advertisers
NALILITO ang sambayanang Pilipino sa dalawang magkasalungat na pahayag nina DILG Secretary Eduardo Ano at PNP-NCRPO Director, Brig. General Vicente Danao patungkol sa kung puwede na nga bang papasukin sa mga mall dito sa Metro Manila ang mga menor de edad na ang edad ay kinse anyos (15 years) pababa at may kasamang mga magulang o guardian?
Kung si Sec. Ano at ang DILG ang tatanungin, maliwanag na nasa affirmative na OO ang kasagutan pero kung ang kapulisan naman ng National Capital Region (NCR) ang tatanungin partikular na nga si General Danao, matigas namang HINDI ang kanilang sinasabi.
Sinabi pa ni Danao na mahigpit ang kanilang tagubilin sa mga mall owners/operators na bawal na bawal papasukin sa kanilang mga establisimiyento ang mga menor de edad kahit pa nga kasama ng mga ito ang kani-kanilang mga magulang.
Binigyang-diin ni Danao na ito ang safety at health protocols na ipinatutupad sa ilalim ng IATF para sa mga lugar na nananatiling nasa General Community Quarantine (GCQ) status.
Sinabi pa ni Danao na concern lamang ang PNP sa posibleng paglobo sa bilang ng kaso ng Covid-19 sakaling dumagsa sa mga mall ang mga kabataang ito na ‘vulnerable’ na mahawa ng sakit.
Samantala, ang pahayag na ito ni Danao at ng NCRPO ay salungat din sa opisyal na pahayag ng Malacanang at ni Presidential Spokesman Atty. Harry Roque.
Sinabi naman ni Metro Manila Council Chair, Paranaque Mayor Edwin Olivarez na kapagdaka silang maglalabas ng ordinansa para sa layuning payagan na ang mga kabataang may edad 15 pababa na makapasok sa mga mall sa kondisyong kasama ng mga ito ang kanilang mga magulang o guardians.
Sinabi pa ni Olivarez na dapat umanong magpasa ng ordinansa o resolusyon ang bawat LGUs sa layong ito.
Nang tanungin si Olivarez tungkol sa stand o kautusan ni General Danao patungkol sa pagbabawal ng PNP na pahintulutan ang mga kabataang ito na makapasok sa mga malls, sinabi ni Olivarez na posibleng nagkaroon lamang ng konting kalituhan at di pagkakaunawaan sa kautusang ipinalabas ng DILG at ng Malacanang.
“Pasasaan ba,dagdag pa ni Olivarez, maglalabas din ng unified or parallel order patungkol sa isyung ito”!
Samantala nananatiling tahimik at walang pahayag ang IATF at ang DOH sa magkasalungat na kautusang ito ng DILG at ng PNP patungkol sa pagluluwag sa helath protocols sa mga papayagang makapasok ng mga malls.
Pero kung tayo ang personal na tatanungin, malinaw naman dapat sumunod at sumang-ayon ang PNP sa DILG dahil direktang nasa control at supervision ng Department of the Interior ang pambansang kapulisan.
Assuming for the sake of arguement na may basis at legal reasons si Danao sa pagpapahayag ng pagbabawal sa mga kabataang ito na pumasok sa mga malls alinsunod sa safety and health protocols na IATF, marapat lamang na mag-isip-isip muna ito at sumangguni sa mga nakakataas na opisyal.
In this particular case, sa office ni General Ano na kanilang boss!
Baka naman nawaglit sa isip ni General Danao na sa kanilang propesyon bilang pulis and an officer at that, may code na nagsasaad ng ganire; “OBEY BEFORE YOU COMPLAIN’!
Baka naman overwhelmed itong si Danao sa extra ordinary treatment na ipinagkakaloob sa kanila ni Gen. Sinas ng Pangulong Rody Duterte.
Na astig na silang suwayin at salungatin ang mga pronouncement ng kanilang bosing na si Sec. Ano.
History will tell kung ang mga ganitong palalong opisyales sa PNP na mga spolied brats ng Executive branch o ng Malacanang ay mat future pang patutunguhan.
Eto ang sinasabi nating pangangailangan para sana sa pagbabago ng uri ng gobyerno ng ating bansa.
Sa Federal form of government kasi, wala nang ganitong kalituhan kung saan magkasalungat na kautusan ang mga pinaiiral at nagkakaroon ng kalituhan ang mga mamamayan kung ano nga ba ang dapat o sino nga ba ang nararapat o tama nilang sundin.
Ang tanong nga lamang, may tsansa ba ang Pederalismo sa kasalukuyang set up ng ating gobyerno kung saan maraming bilang na mga mambabatas sa Mababang at Mataas na Kapulungang ng Kongreso ang madi-displace kapag pinairal na ang Federal form of government?
Not at the very near future mga mahal nating mga tagasubaybay!
Till next issue!
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com