Advertisers
KASALUKUYANG nagsasanay si Eumir Felix Marcial sa Los Angeles upang paghandaan ang kanyang unang pagsabak sa professional career.
“I can do it this week,” Wika ng 25-year-old boxer, na dumating sa Los Angeles noong Oct. 12 upang paghandaan ang kanyang pro debut at ang inaasahan na Tokyo Olympics stint sa July.
Klinaro ni Marcial, na priority pa rin niya na makuha ang unang gold medal para sa Pilipinas sa summer games.
Sinabi niya na ang pagpunta sa Los Angeles para mag training sa ilalim ni Freddie Roach,Justin Fortune at Marvin Somodio ang pinakamagandang nangyari sa kanya sa panahon ng pandemic.
“I’m so blessed to get here,” Sambit ni Marcial, na ginaya ang ginawa ni Sen. Manny Pacquiao, Filipino boxing icon, na tumatakbo sa Griffith Park at training sa Wild Card Gym.
Ang pride ng Zamboanga ay nag-spar sa fighters na mas experienced at mas magaling sa kanya. at sinabi na nakagawa na siya ng 15 sparring sessions mula October.
“It would have been harder to get this quality of training if I was back home,” Wika ni Marcial .
Marcial, na lumalaban sa welterweight division, ay dumating sa United States may timbang na 185 pounds pero bumaba sa 170, para makuha ang limit na 160 pounds.
Sinabi ni Gibson dahil sa kanyang sukat, ay napakahirap para kay Marcial na ihanap ng sparring