Advertisers
Ni Beth Gelena
SADYANG okey na nga ang lahat between ex-couple Ruffa Gutierrez at Turkish businessman Tycoon Yilmaz Bektas.
May updated post si Ruffa ng kanyang selfie photo kung saan nasa Canada siya.
Ang caption ng actress/former beauty queen, “Bonjour TorontoToronto! My first time here would you believe? Thank you to @kabayanremit for flying me in to visit their booth (Auguat 18) at @taateofmanilacanada”
“Thank you so much to our super friendly kabayans who have showered me with so much love since I arrived.”
Unang nagkomento sa comment section si Yilmaz.
“You look good,” komento ni Bektas.
Ang couple ay may dalawang anak, sina Lorin at Venice who are both older now.
Highly publicized nang maghiwalay ang dalawa nung 2007.
2012 nang opisyal na ma-annull ang kanilang kasal.
“Cultural differences” ang dahilan ng kanilang broken marriage.
After ten years nang muling magkita ang mag-aama.
Pinayagan na ni Ruffa na bumiyahe ang dalawang anak sa Istanbul nung 2022.
Ang pagkomento ni Yilmaz, meaning in good relationship na ang dating mag-asawa.
Lalo na sa parte ni Ruffa, tuluyan nang nag-heal ang sugat sa kanyang puso.
Komento ng mga netizens.
“Happy that you are friend.. Always love ur kids”
“Let’s accept the fact that they are friends, supporting each other for their children”
Panunukso naman ng isang commented na dinaan sa kanya, “muling ibalik ang tamis ng pag-ibig, muling pagbigyan ang pusong nagmamahalan… aminin mo madame @iloveruffag kinilig ka”
***
GERALD KUSANG DUMISTANSIYA SA JOSHLIA
MASASABI na talagang real-life hero ang actor na si Gerald Anderson.
Mula sa Ondoy years ago at ngayon kay Carina, hindi na kailangan pang maghintay ni Gerald na may humingi ng tulong sa kanya.
Agad siyang kumikilos para tulungan ang mga kababayan.
Inamin naman ng girlfriend niyang si Julia Barretto, na nag-aalala rin siya sa boyfriend.
Aniya sa isang panayam:
“I was worried about him. It’s a proud moment, of course, but I was really worried. But by nature, that’s who he is. I just hope he will be safe doing that for others. It’s a proud moment, but ang hirap grabe ‘yung worries ko.”
Aside helping people ay may isa pang passion ang actor mula pa nung bata siya, ang paglalaro ng basketball.
Kamakailan lang ay may binubuong project ang actor, ang Got Game Philippines.
Naghahanap siya ng mga mahuhusay na makaka-buddy niya sa basketball para sa 3×3 competitions.
Gerald will conduct the scouting events in Manila, Cebu, and Davao. It will be for open league, collegiate, up until the grassroots level.
“If we could build something para sa mga kabataan, open league, pros, collegiate players, why not? ‘Yun yung vi
“In a way, sabi ko nga nung bata (ako), pangarap ko pumasok sa PBA, pero pumasok ako sa ‘PBB’ (‘Pinoy Big Brother). But because of that, I get to do all of these. I can play and travel the world with basketball, so sobrang thankful ako, and this is something na gusto ko ma-experience ng iba.”
Pagdating naman sa love life, Gerald’s wisdom is next level. Tahimik lang daw siya at naka-support kay Julia at sa ex nitong si Joshua Garcia.
Talagang dumistansiya raw siya habang nagpo-promote ng Un/Happy For You.