Advertisers
TIYAK na mabubulok sa kulungan ang isang ama na gumahasa sa dalawa niyang anak na babae, ang isa 11-anyos na nabuntis pa, matapos maaresto sa drug buy-bust operation ng pulisya sa Lungsod ng Cauayan.
Nakakulong ngayon sa San Mariano Police Station ang ama na hindi pinangalanan, residente ng Santa Filomena ng nasabing bayan.
Ayon sa ulat, nakatanggap sila ng report hinggil sa iligal na gawain ng ama kaya agad inilatag ang buy-bust operation at nadakip ito.
Nakuha mula sa ama ang isang pakete ng shabu, P500 buy-bust money, iba’t ibang ID at mahigit P2,000 cash.
Sa interogasyon sa pulisya, natuklasan na nahaharap din sa kasong rape ang ama at ang kanyang mga biktima ay sariling mga anak na 18 at 11-anyos na buntis ngayon.(PFT team)