Advertisers

Advertisers

Negosyante pinatay sa labas ng bahay

0 270

Advertisers

PATAY ang isang negosyante nang barilin habang nakatayo sa labas ng kanyang bahay sa Pagadian City.
Kinilala ang biktima na si Roseller Sabejon Sumampong Sr., 47, nego-syante, ng Purok Makabibihag 2, Santa Lucia, Pagadian City.
Ayon sa ulat, 2:45 ng hapon nang maganap ang pamamaril sa Purok Makabibihag 2. Nakatayo ang biktima sa harapan ng kanyang bahay nang lapitan ng dalawang ‘di nakikilalang lalaki at agad binaril sa ulo ang biktima na ikinasawi nito noon din. Mabilis na tumakas ang mga salarin patungo sa Brgy. Santiango ng lungsod.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen. (M. Obleada)