Advertisers

Advertisers

P35.8m shabu nasabat sa babaeng African sa NAIA

0 10

Advertisers

ARESTADO ang isang babaeng Aftican national nang tangka nitong ipasok ang milyon milyong halaga ng iligal na droga Martes ng hapon sa NAIA Terminal 3, Pasay City

Sa inisyal na ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) district officer sa Terminal 3 kay PDEA Director General Moro Virgilio Lazo, kinilala ang naaresto na si Jolene Duplessis, nasa legal na edad, isang South African national

Sa ulat, 6:50 ng gabi, habang nagsasagawa ng pagmamatyag ang mga operatiba sa arrival area ng terminal nang masilip ang hinihinalang illegal drugs sa loob ng isang bagahe ng X-ray inspector ng BoC-NAIA na si Marie Janica Grove.



Nang siyasatin ang bagahe na nakapangalan kay Jolene Duplessis, pasahero ng fligh EY 242 mula sa Abu Dhabi, nakita ang shabu na may timbang na 5,265kgs na may street value P35.8 million.

Ayon sa PDEA, nasa kustodiya ng NAIA-IADITG si Duplessis, isinasailalim sa masusing imbestigasyon, habang ang iligal na droga ay dinala na sa PDEA Drug Laboratory NHQ para sa karagdagang pagsusuri.
(JIMMY MENDOZA)