Advertisers

Advertisers

Magkapatid pinatay ng isa pang utol

0 11

Advertisers

NASAWI sa pamamaril ang magkapatid na lalaki sa Zamboanga City. Ang itinuturong salarin, ang isa pa nilang kapatid na lalaki.

Nangyari ang krimen sa bahay ng magkakapatid sa Barangay Ayala, Zamboanga City.

Ayon sa nakatatandang kapatid na babae na si alyas “Nene”, palaisipan sa kanilang pamilya kung bakit pinagbabaril ng isa nilang kapatid ang mga kapatid na edad 35 at 42 anyos.

“Narinig ko nalang ang pagputok ng baril. Yung isang kapatid ko, hinahabol tapos pinagbabaril nalang.

Hindi namin alam bakit niya ginawa ‘yon. Bigla siyang umalis pagkatapos niyang patayin mga kapatid niya,” sabi ni Nene.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo ang isang biktima, habang ang isa ay may mga tama sa katawan.

Nais ni Nene na mabigyan ng katarungan ang brutal na sinapit ng kaniyang dalawang kapatid.
Inaalam pa ng Zamboanga City Police Office (ZCPO) ang motibo ng pamamaril, pero hindi nila inaalis ang posibilid na maaaring sangkot ito sa ilegal na gawain.

Patuloy pang hinahanap ang tumakas na salarin.

Nananawagan naman ang anak ng salarin sa kaniyang ama na sumuko na at panagutan ang ginawang krimen.