Advertisers

Advertisers

Siklista kinaladkal ng bus, pisak

0 9

Advertisers

GINAMITAN pa ng jack para maiangat ang bus at makuha sa ilalim ng sasakyan ang katawan ng isang siklista nang kaladkarin ng sampung metro ng pampasaherong bus, San Isidro Bus Express, sa Puerto Princesa City, Palawan.

Mahigit isang oras bago nakuha sa ilalim ng bus ang siklista, na pinagtulungan alisin ng mga pulis, traffic enforcer at mga nakiusyuso sa aksidente.

Alas-7 ng umaga nitong Miyerkoles naganap ang aksidente sa may bahagi ng highway ng Brgy. Sta Monica, Puerto Princesa City.



Wala pang pagkakakilanlan ang biktima habang sinusulat ang balitang ito.

Ang driver ng bus ay kinilalang si Ricky Hugo na nasa pangangalaga na ng Puerto Princesa City Police.

Ayon sa driver, sumenyas ng pakaliwa ang siklista pero bigla itong bumalik sa gilid kaya niya nakaladkad, nakahanda naman aniya siya makipagtulungan.