Advertisers

Advertisers

HUWAG MUNANG LUMABAS NGAYONG HOLIDAY SEASON

NCRPO Chief PBGen. Danao, nakiusap sa mga kabataan:

0 237

Advertisers

MAY pakiusap si National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director PBGen. Vicente Danao Jr. sa mga kabataan at ito ay ang hindi muna paglabas ngayong holiday season hanggang wala pang vaccine laban sa COVID19.

Ito ay sa kabila na pinayagan nang makalabas ang 15 anyos basta may kasamang “adult” para makadalo sa iba’t ibang aktibidad.

Ang pahayag ay ginawa ni Danao nang dumalo ito sa Manila Police District (MPD) sa isinagawang turn over of office ceremony noong Martes ng umaga (Dec. 1) sa Maynila.



Samantala ay tiniyak naman ni Danao na magpapakalat ng maraming pulis sa buong Metro Manila sa panahon ng Simbang gabi.

Ito ay para matiyak na maipatutupad ang health protocols gaya ng social distancing, pagsusuot ng facemask at faceshields.

Sinabi rin ni Danao na patuloy na ipatutupad ang mga naumpisahan ng.proyekto para sa mga pulis at naka pokus umano ang programa ng NCRP0 sa COVID 19.

Nagbabala rin si Danao sa mga pasaway na pulis at sinabihan ang mga ito ng “good luck” na lamang sa kanila at mayroon silang pagkakalagyan lalo na sa mga sangkot sa drugs,sugal at iba pang iligal na gawain. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">