Advertisers

Advertisers

Maramdaming tae

1 794

Advertisers

WALANG kasing bastos si Rodrigo Duterte. Hindi siya nangingimi sabihin ang pinakamasakit na salita upang libakin ang kanyang kapuwa, o sinuman kumalaban sa kanyang paniniwala. Pero maniniwala ba kayo na saksakan ng maramdamin si Duterte. Nasasaktan siya kapag tinatawag siyang batugan, tamad, inutil, at walang silbi, o anuman sa mga katagang iyan.

Tinawag ni Duterte na “tae ng aso” si Bayan Muna Party List Kin. Carlos Zarate bagaman isa sa mga pinakamasipag at masigasig na mambabatas ang huli sa Kamara de Representante. Hindi nangingiming magsalita si Zarate sa maraming usapin ng bayan. Wala siyang takot. Kaya ganyan na lamang ang galit ni Duterte.

Nanggigil at nanggagalaiti sa galit ang bugnuting lider umano ng bansa. Ano siya? Hindi ba siya ang maramdaming tae?



“The old man by the Pasig river cannot be better. He can only be bitter by his extreme insecurity over his critics who are much smarter than him,” ani Sahid Sinsuat Glang, isang retiradong sugo ng bansa sa mga bansa sa Gitnang Silangan.

“When you call someone ‘TAE’, you don’t destroy him by your description – but you actually destroy yourself by your own words. What you spew is that darkness in which you dwell. What you speak is that of evil which you cultivate. That does not exempt you – even if you’re President.” – ani Jed Q. Cepe, isang netizen.

Ayon kay Rodolfo Hilado Divinagracia, isang netizen: “Ngayon lang ako nakarinig na binigyan ng premium ang ‘tae’ sa national tv bilang bahagi ng countrywide policy.” Totoong kakatwa ang nangyari sa kanyang pagharap sa madla noong Lunes ng gabi. Naging normal ang paggamit ng bastos na salita sa national TV.

***

TUNGKULIN ng isang pangulo na tuklasin ang dahilan ng pagsama sa armadong pakikibaka ng ilan sa kanyang nasasakupan. Hindi nakukuha sa pagmumura, pambabastos, o panlilibak sa kapuwa ang pagresolba sa tunggalian ng uri sa lipunang Filipino. Umiigting ang pagkasuklam ng mga kalaban sa kanya at sa mapang-api na sistema na kanyang kinakatawan.



Hindi ordinaryong buhay ang maging isang mandirigma ng puwersang nakikibaka laban sa mapang-aping sistema. Malaking sakripisyo ang armadong pakikibaka. Hitik ang kasaysayan ng mga kapuri-puring kuwento ng sakripisyo sa ngalan ng armadong pakikibaka.

Sa kasaysayan ng mundo, may mga grupo ang isinuko ang armadong pakikibaka. Nakipag-usap at nakipagkasundo sa kani-kanilang gobyerno. Isang malaking katanungan kung bakit patuloy ang armadong pakikibaka. Bakit hindi ituloy ang pag-uusap kapayapaan para matapos na ang tunggalian ng iba’t ibang puwersa na kasangkot sa armadong pakikibaka?

Bakit hindi ituloy ni Duterte ang naantalang pakikipag-usap? Bakit hindi siya tumayo sa kanyang higaan at harapin ang mga lider ng mga grupong nagsusulong ng armadong pakikibaka? Bakit hindi siya pinagtitiwalaan sa anumang pag-uusap. Maiging itanong na lamang ang mga ito sa mga bituin at ulap sa himpapawid?

***

MGA PILING SALITA: “Hayup sa Kaibahan. Tayong mga ProDem kandarapa na sa fundraising para sa Relief. Etong mga DDS kandarapa kaka Fake News kay VP Leni at sina Dutz kandarapa kaka-redtagging. Kaya hindi ako nagtaka na uunahan na tayo ng Vietnam sa per capita income bago mag Christmas; tayo na pinakamaraming CoVid sa ASEAN at ang ekonomiya natin na kinaiinggitan nuong 2015 ang pinaka-kulelat sa buong Asya ngayon.” – Ding Velasco, netizen

“Ipagpalagay na natin na komunista si Cong. Zarate. Ano ang masama na ginawa niya para siya’y pagkaabalahan na banatan nang todo ni Duterte? Nagnakaw ba siya gaya ng ginagawa ng mga tauhan at taga-suporta ni Duterte? May pinatay ba siya gaya ng may mga pinatay ang DDS? When you’re incompetent, you will attack others to divert attention.” – Erik Villanueva, netizen

“Let’s be honest. Tigil na yan na nagsisinungaling pa sila na redtagging, e red naman talaga sila, sabi ng Presidente. Ang hinihingi natin, you can be a red, without necessarily endorsing the use of arms.” – Harry Roque

***

MAY magandang isinulat si Rodolfo Hilado Divinagracia, isang aktibista na kabilang sa Samahang Magdalo. Pakibasa: “The Communist Party of the Philippines is a legal organization, hence, not outlawed. It’s the NPA, its armed component, which is outlawed. But this government calls its enemies as communists whether outlawed or otherwise. Here is the rub: a communist is considered a terrorist.

“As a terrorist or a communist, you are more often considered as a plotter to wrest control or overtake the government. Unfortunately, even a simple opinion-maker, whose right is guaranteed by constitutional inscription of free speech, if such opinion is against the government, must suffer the fate of a communist. Such policy coming from a nocturnal nincompoop, with a gnashing teeth and a lashing tongue, that red-tagging is actually and essentially a specific declaration of a communist agenda, even if it is a non-sequitor is as deadly as fighting an enemy in a combat.

“The President himself said, that being red-tagged is actually being specifically identified as a communist, hence, a terrorist who is an enemy of the state. What a statement in a broadcast of national reach. Its a new logic, sewn in a nocturnally-altered-state of being, where the spirit of hades control the mind of the host. Thus, in shouting ‘Oust Duterte,’ I stand the risk of being red-tag for being a communist and therefore a terrorist. Nice one!”

***

MARAPAT lamang magsiyasat ang liderato ng Kamara de Representante kung bakit lumalaki ang bilang ng mga empleyado ang dinapuan ng mapinsalang Covid-19. Ayon kay Mark Lisandro Mendoza, secretary-general ng Kamara, umabot sa 98 katao ang positibo matapos silang sumailalim ng swab testing noong ika-10 ng Nobyembre. Umabot naman sa 80 ang positibo noong buwan ng Marso ng unang humataw ang virus.

Kinakatawan ng mga tinamaan ng Covid-19 ang limang porsiyento ng 2,000 mambabatas at empleyado sa Kamara. Mukhang naging epicenter ng mapinsalang virus ang Kamara. Ano ang desisyon ng liderato? Ano ang mga protocol na dapat gawin?

***

MUKHANG tuloy-tuloy na ang proseso para sa pagdedeklara ng panalo ng tambalang Joe Biden – Kamala Harris sa nakaraang halalan. Kahit pinipigil ni Donald Trump ang proseso sa paghahabla sa iba’t ibang estado ng kanyang hindi pinaniniwalaang asunto kontra kay Biden at Harris, hindi mapigilan ang proseso upang sumumpa si Biden at Harris bilang pangulo at pangalawang pangulo sa ika-20 ng Enero sa susunod na taon.