Advertisers

Advertisers

Sen. Bong Go: Pambili ng COVID-19 vaccine kasama sa 2021 proposed national budget

0 237

Advertisers

KINUMPIRMA ni Senador Christopher “Bong” Go na mag-uusap ang liderato ng dalawang Kapulungan kaugnay sa mga pagbabago sa 2021 proposed national budget kasabay ng paniniwalang maratipikahan na ang budget.

Ito ay para maipasa ito sa tamang panahon nang maipasa kay Pangulong Rodrigo Duterte nang maiwasan ang reenacted budget.

Ayon kay Go, muling magpupulong ang Bicameral Conference Committtee pagkatapos mag-usap ng liderato kung saan posible aniya na may mga pagbabago sa ilang probisyon.



Sinabi ni Go na mahalagang pagdating ng Enero ay mayroon nang working budget ang bansa lalo pa at iba ang hinaharap na laban ng sambayanan dulot ng COVID-19.

Ipinaliwanag ni Go na kasama sa panukalang budget sa susunod na taon ang pondong gagamitin sa laban sa COVID-19 kaya wala sanang rason na ma-delay ito at mapirmahan na ng pangulo.

Kinumpirma rin ni Go na kasama sa panukalang budget ang pambili ng bakuna bagama’t pinag-aaralan kung may idadagdag pa. (Mylene Alfonso)