Advertisers

Advertisers

PASIG MAYOR KINASUHAN SA OMBUDSMAN!

0 2,284

Advertisers

Mukhang nagkakagibaan na ng “performance” sa PASIG CITY para sa nalalapit na halalan.., kung saan ay sinampahan ng kaso sa OMBUDSMAN si CITY MAYOR VICO SOTTO hinggil sa umano’y pagbibigay pabor sa isang telecommunications company.

Sa 17-pahinang isinumite ng nagdemanda na si ETHELMART AUSTRIA CRUZ ay inakusahan nito si MAYOR SOTTO  ng grave misconduct, gross neglect of duty and conduct prejudicial to the best interest of service and dishonesty.., hinggil sa umano’y pagbibigay ng 100% tax discount sa CONVERGE ICT SOLUTIONS INC

Isinaad sa reklamo na idineklara umano ng CONVERGE na ang kanilang opisina ay 5 metro-kuwadrado.lamang at 4 ang kanilang empleyado simula noong taong 2018.., yun nga lamang nang siyasatin ng mga kinauukulan noong July 18, 2023 at September 19, 2023 ay natuklasang nandaya ang CONVERGE dahil ang kanilang opisina ay omuukopa ng 9,037.46 square meters at mayroon silang 1,902 na mga empleyado na omoukupa sa 4 na palapag.



Gayunman, pinaboran ni MAYOR SOTTO ang CONVERGE at iginawad ang 100%  TAX DISCOUNT na isa umano itong paglabag sa ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT.

Ipinunto rin ng complainant na ang pagkakaloob ng gayung discount ay kawalan umano para sa kaban ng kanilang lungsod.

Oo nga naman mga ka-ARYA.., bakit pinaboran ang CONVERGE e siguradong hihirit o aalma ang lahat ng mga establisimiyento sa PASIG CITY na hindi nakahirit ng discount sa kanilang mga bayaring taxes.., lalo na yaong mga may pagkakautang ay hindi makahirit na mabigyan sila ng 100% full discount.., UNFAIR nga naman, pero kung pagbibigyan ang mga ito ng gayong diskuwento ay siguradong babagsak ang kaban ng kanilang lungsod.

Paging MAYOR SOTTO.., sa May 2025 na ang eleksiyon at mukhang niraratrat ka na ng panggigiba sa iyong posisyon.., dapat makatuwang mo ang iyong PUBLIC INFORMATION OFFICE STAFF para maipahayag naman ninyo ang OFFICIAL STATEMENT patungkol sa mga iniaaakusang isyu sa inyo!

Sabagay.., kung may mga negatibo sa.mga pamamalakad ng CITY OFFICIALS ay siguradong mag-aaklas o aalma ang mga nasasakupang constituents at ang katulad ni MAYOR SOTTO ay huwag maging BALAT SIBUYAS’ dahil ang sinumang PUBLIC OFFICIALS ay subject for criticisms.., sa halip ay kelangang sagutin ng sinumang opisyal ang iniaakusa sa kaniyang panunungkulan!



***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.