Agricultural goods na walang permit, kinumpiska sa BOC NAIA
Advertisers
BILANG pagpapakita ng pinalakas na tambalan sa pagitan ng Bureau of Customs (BOC) at ng Department of Agriculture (DA), nagsagawa ng joint inspection ang BOC-Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at DA Officers na nagresulta sa pagkakasamsam ng kargamento ng mga agricultural products na walang kaukulang Sanitary and Phytosanitary Import Clearance (SPSIC) mula Bureau of Animal Industry (BAI), Bureau of Plant Industry (BPI), at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Sa pakikipagtulungan sa DA’s Intelligence and Enforcement Service (IES), ang kargamentong dala ng isang Japanese national ay nasabat noong August 8, 2024, na kinabibilangan ng 527.10 kilo ng sariwang karne ng baka , 26.5 kilo ng sariwang manok, 60 pirasong itlog, 57.1 kilo ng iba’t-ibang prutas at gulay at 57.10 kilo ng produkton isda. Nang sumunod na araw, Aug. 9, 2024 panibagong kargamento mula sa Japanese passenger ang nakumpiska na kinabibilangan ng 140.2 kilo ng karne at produktong karne, 10 piraso ng mga itlog, 165 kilo ng kilo ng prutas, halaman at gulay, at 235.5 kilo ng halo-halong produktong isda.
Ang lahat ng nakumpiskang produkto ay dinala sa BAI, BPI, at BFAR, na pawang mahahalagang tanggapan sa ilalim ng DA, para sa tamang disposal, at upang matiyak na wala itong potential health risks o pinsala sa food industry bunga ng hindi awtorisadong pagpasok nito sa bansa.
Binigyang-diin ni BOC Commissioner Bienvenido Y. Rubio ang kahalagahan ng pinalakas na pagtutulungan at sinabing : “These operations are the direct result of the enhanced partnership between the Bureau and the DA, ensuring that our borders remain protected from the entry of unauthorized goods which may pose health hazards not only the consuming public but our local industries.”
Naglabas din ng babala si District Collector Yasmin O. Mapa, laban sa mga sariwang karne ng baka at meat importers na kumuha ng permits. “We will continue to bolster the BOC’s border protection efforts against smuggling and other illicit activities.” (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)