Advertisers

Advertisers

KC sumeksi nang mahiwalay sa Swiss bf

0 14

Advertisers

Ni Jovi Lloza

SA isang post ni KC Concepcion sa kanyang socmed makikita na nakabalik na ito ng Paris.

Ang Paris daw ang nagsisilbing hometown ng anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.



Sa larawang ibinahagi ni KC ay ipinakita nito ang kanyang pamamasyal sa Paris kahit summer.

Nilibot nito ang mga dati na rin nitong pinupuntahan sa Paris.

Sa larawan ni KC na nakatalikod ay pansin ng netizens ang biglang pagpayat nito.

Sundot nga ng netizens na nakapansin sa kapayatan ni KC ay nagbalik alindog na raw ito.

Sitsit pa ng netizens na baka nga raw naapektuhan ang pangangatawan ni KC nang maghiwalay sila ng Swiss bf na si Mike Wutrich.



As in, laki naman daw talaga ng pinayat ni KC na pansin ng netizens.

***

Gerald Santos naghihikayat
pa ng mga
biktima ng pang-aabuso na lumantad
NAGKAROON ng biglaang boses si Gerald Santos dahil kay Sandro Muhlach na nagreklamo ng pang- aabuso umano ng dalawang independent contractors ng GMA-7.

Sa video upload ni Gerald ay isiniwalat din nito ang mapait na karanasan.

Bukod sa suporta nito ang ipinaglalaban ni Sandro, nanawagan din ito sa mga nabiktima ng mga pang aabuso.

Lumantad at magsalita na raw ang mga ito.

Kaya inaasahan ng netizens na may iba pang mga talents na lalabas at lalantad para matuldukan na nga raw ang pagsasamantala ng mga taong ginagamit ang impluwesya at namesung sa mga bagitong aspiring talents na nangangarap na makamit lang na ma-invade ang showbiz industry.

So, abangers na lang kung sino pang talent ang magsasalita matapos manawagan si Gerald na lumantad na rin ang mga ito.

Well, well, well…Yun na!