Alaala ko kay Lily Monteverde; Lae Manego-Franzani Naghandog ng Saya sa GRACES at CHILDHaus Quezon City
Advertisers
Ni Oggie Medina
HINDI ko masisisi si Lily Monteverde kung sumunod kaagad siya kay Remy Monteverde. Saksi ako sa pagmamahalan ng dalawa. Kahit na noong wake ni writer Jake Tordesillas at later ni direk Maryo J. delos Reyes ay nasaksihan ko ang tamis ng pag-iibigan ng dalawa.
Habang tumutugtog ng piano si Mother Lily, panay naman ang suporta at alalay ni Father.Remy sa kanyang maybahay sa misa. Nakakaingggit silang tingnan.
Mabait si Lily Monteverde. Minsan pumunta ako sa tahanan niya at malapit nang mag-Pasko noon. Binibigyan ako ng pera ni Lily pero tinanggihan ko noon at hayaan ang mga PSG (Presidential Security Group) ni Kris Aquino ang kumuha dahil may trabaho naman ako sa Malacanang dati.
Si Lily Monteverde ay kakilala ng tiyahin ko na isang kilalang licensed real estate broker. Malapit lang ang tahanan ng tiyahin ko sa Gilmore sa bahay ni Mother Lily.
***
‘ASIA’S Queen of Fire’ Lae Manego-Franzani, isang online TV host at producer ng Loreley Entertainment, ay nagdiwang ng kanyang kaarawan sa piling ng mga matatanda sa GRACES (Golden Reception and Action Center for the Elderly and Other Special Cases) ng umaga at sa hapon naman sa piling ng mga batang may kanser sa CHILDHaus Mapang-akit sa Quezon City.
Tumulong din sa kanya ang mga kaibigan tulad nina Edwin Lisa, Mark Lester Lico, Bertch Ian Namuag Ranis, Madonna Decena, at ang La Visual Corp., ang organizer ng 2nd Southeast Asian Premier Business and Achiever Award. Salamat din kay CHILDHaus director Jeannette Cu.
Sa susunod na mga araw, si Lae ay tutungong Europa para mag-concert sa Paris, France at sa Netherlands.
Si Lae ay kasal kay Querino Franzani, isang Dutch citizen.