Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
HAHAHA kalokah, kahit anong pagsisipsip pang gawin ni Lolita “harangera” Solis kay Kris Aquino na parang inilaglag na rin nito ang co-host sa kanilang weekly internet show na si Manang Cristy Fermin na umuusok ang galit kay Kris dahil sa pangmamaliit daw nito sa kasamahan nila sa programa na si Mr. Fu.
Dahil sa lait ni Manang Cristy at pagpu-push sana kay Mr. Fu, hayan at pareho silang nawalan ng tig-P240K ni Lolita. At ito ang latest, nagdesisyon na raw ang Puregold na sina King of Talk Boy Abunda at Kris ang pagsamahin sa produced nilang digital show na special project ng company this Christmas season.
And for sure, mas malaking talent fee ang tatanggapin nina Kris at Kuya Boy rito. Infairness to Kuya Boy, malakas siya sa social media kaya deserve niya ang magandang talent fee.
***
2020 Most Outstanding Radio Host-Tokyo Sa Gawad Amerika Na Si Liza Javier, ‘Di Personal Na Natanggap Ang Trophy Dahil Sa Buhay Pa Ring Covid-19
Via Zoom ay napanood ang awards night ng 19th ANNUAL GAWAD AMERIKA AWARDS na pinangunahan ng ating nag-iisang Superstar na si Ms. Nora Aunor na ginawaran ng Lifetime Achievement Award in Performing Arts kasama ang isa sa awardees this year na si Liza Javier na itinanghal namang 2020 Most Outstanding Radio Host-Tokyo City.
Siyempre, happy si Liza sa bagong award na ito ng Gawad Amerika pero malungkot din ang said popular DJ-Musician-Businesswoman at hindi niya personal na natanggap ang kanyang trophy unlike in the past years na parati siyang present sa awarding ceremonies nito.
Ang rason ng hindi pagpunta ni Liza sa Hollywood, California, na venue ng naturang international award giving body ay dahil natatakot siya sa Covid-19 na active pa rin sa Amerika ang nakamamatay na virus.
According to the organizer of GAWAD Amerika na nakausap ni Liza ay ipadadala na lang daw ang kanyang tropeo. Samantala, masaya ang social media personality at dinudumog ng customers ang online selling business na beauty products na Ruby Cell na mabisa for anti-aging at ang RIWAY na magpapaputi lalo ng skin at magiging flawless ang gagamit nito.
Parehong popular sa Japan ang mga nasabing produkto na ginagamit din naman ng mga sikat na celebrity roon.
***
Eat Bulaga, Patuloy Sa Pagtulong Sa Mga Biktima Ng Bagyong Ulysses Sa Pamamagitan Ng Bayanihan
Mula noon hanggang ngayon ay prayoridad na ng Eat Bulaga ang tumulong sa dabarkads na biktima ng mga sakuna tulad ng bagyo. At sa napakaraming kababayan natin na apektado ng bagyong Ulysses na nasira ang kabahayan ay sila ang gustong bigyan ng ayuda ng Bulaga sa pamamagitan ng Bayanihan.
Ang maiipon mula sa inyong suporta ay ilalaan para sa ilang pamilya na sinalanta para kung ano man ang nawala sa kanila, magkakaroon sila ng pagkakataon na magsimula at bumangon.
Pwede pa ring mag-avail ng Eat Bulaga Silver Special DVDs at Bobble Head Dolls. Para sa inyong order ay maaring mag-email sa eatbulaga@eatbulaga.tv at ilagay sa subject ang Kabuhayan Ni Juan o kayo ay mag DM sa Facebook ng Eat Bulaga, Instagram o Twitter.