Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
SINGLE man sa darating na Pasko, hindi raw nito maaapektuhan ang Christmas plans ni Andrea Torres.
Tila naging biyaya kay Andrea ang sunud-sunod na projects niya ngayong kapaskuhan.
Sa ulat ni Lhar Santiago sa 24 Oras, ibinahagi ni Andrea ang mga plano at hiling niya para sa darating na Pasko.
Nakaugalian na ni Andrea na ipagdiwang ang Pasko kasama ang pamilya at ito rin ang balak niya ngayong taon.
“Magiging memorable po siya kasi ang dami nating pinagdaanan this year. Feeling ko mas mabigat ‘yung dating sa atin ng pag-celebrate ng Christmas.”
Ang tanging hiling ni Andrea ngayong Pasko ay maging maayos ang kalagayan nila ng kanyang pamilya. “Ang gusto ko lang ay maging healthy ‘yung family ko at magkasama-sama na kaming lahat.
Pagdating naman sa kanyang career, naghahanda na si Andrea para sa lock-in taping ng Legal Wives, “Actually, ipinagdasal ko ito, nami-miss ko na magtrabaho. Sana maraming trabaho ang pumasok.”
***
IPINAGMAMALAKI namin na isang kababayan namin mula sa Biñan City sa Laguna ang may magandang singing career sa Australia!
Abala sa kanyang music career si Jojo Almazora Sebastian sa larangan ng performing arts at mga ganap sa Filipino community sa Sydney.
Hindi lamang mahusay na mang-aawit, isa ring in-demand na host/emcee si Jojo dahil bukod sa talented ay guwapo pa.
Pinarangalan siya nitong nakaraang taon bilang Best Pageant Host ng prestihiyosong Australian Golden Sash Awards.
Ngayong taong kasalukuyan naman ay napili siya bilang Musician of the Year at Most Influential Person of the Year ng Ava’s World Magazine Annual Awards 2019.
Na-feature na siya sa mga babasahin (magasin at diyaryo) at mga programa sa radyo sa iba’t ibang lugar sa Sydney.
Napasama na rin siya (bilang pre-show artist) sa mga naglalakihang shows ng mga top Filipino artists mula sa Pilipinas na tulad ng Megastar na si Ms. Sharon Cuneta, Asia’s Queen Of Songs Pilita Corrales, K Brosas, Ian Veneracion, at marami pang iba.
Nagsimula pa sa pagkabata ang pagmamahal ni Jojo sa musika; nguni’t nito lamang nakalipas na sampung taon niya naramdaman nang husto na passion niya ang pagkanta.
Ngayong taong 2020, nais ni Jojo na mas palawakin pa ang kanyang mundo bilang isang male balladeer; at sisimulan niya ito sa pamamagitan ng una niyang major solo concert sa Australia.
Ang versatility at energy ni Jojo onstage “is contagious” kaya naman isa siyang mahusay na entertainer.
Idagdag pa rito ang kanyang sense of humor at pleasing personality kaya naman bawat performance niya ay may “unique touch of Jojo.”
Sabi pa niya…
“Success for me in singing and performing is when I am able to effectively convey the core message of the song without having to compromise my own values and beliefs.”
Isa pang accomplishment ni Jojo ay ang maimbitahan upang maging representative ng Australia sa WCOPA.
Samantala, napapanahon ang latest Christmas album ni Jojo; may pamagat na Christmas Ain’t Christmas Without You, laman ng album ang mga awiting Christmas Ain’t Christmas Without You, Oh Holy Night, Hark The Herald Angel Sing, and Silent Night.
Ang album na Christmas Ain’t Christmas Without You ay available sa Bandcamp, Spotify, Apple Music, at iba pang music streaming apps.