Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
NAG-REAK si Sunshine Cruz sa Instagram post ni Lolit Solis tungkol sa kanila ng dating mister na si Cesar Montano.
Ayon sa beteranang showbiz writer at talent manager, dapat daw ay matapos na ang bangayan ng dalawa, dahil may kanya-kanya na raw karelasyon ang mga ito. Move on na ang gustong iparating ni Manay Lolit kina Shine at Cesar.
At ang sagot ni Sunshine sa comment section ng post ni Manay Lolit ay,”Good Morning Tita Lolit. I haven’t said a single word. My ex husband is none of my business. Annulled na po kami.”
In fairness kay Sunshine, nang ilabas ni Miss Earth 2009 Sandra Seifert sa kanyang Instagram account ang larawan ng lalaking anak nila ni Cesar na si Corinth Ian, wala siyang ibinigay na pahayag tungkol dito, wala siyang reaksyon.
At kahit kami, nu’ng tinext namin siya para kunin ang kanyang reaksyon sa pagkakaroon muli ng anak ni Cesar sa ibang babae, ang reply niya sa amin ay “Sorry! I don’t want to comment about that.”
So, tama nga ‘yung sagot ni Sunshine kay Manay Lolit, at ‘yung pagtatanggol niya sa kanyang sarili. Hindi na naman kasi siya nagsasalita basta may kinalaman tungkol kay Cesar.
Narito ang kabuuang IG post ni Manay Lolit published as is, na sinagot ni Sunshine. “Dapat wala na silang pakialam sa isa’t isa. Nagtataka ako Salve bakit parang walang katapusan iyon ‘gulo’ between Cesar Montano and Sunshine Cruz. Hanggang ngayon na meron na sila mga bagong partner para bang every now and then meron pang intriga between them.
“Sana naman matapos na lalo pa at 3 babae ang anak ni Cesar kay Sunshine na parang hindi maganda tuwing meron lumalabas pang mga issue tungkol sa magulang nila. Puwede naman hindi na sila nagbibigay ng statement, o sumagot sa issue, basta tinanong, smile na lang para tapos na, huwag ng pag usapan pa.
“Hindi matigil tigil, para bang umaandar bawat araw, walang katapusan. Kanya kanya na sila, kaya hintuan na ang issue. Dapat wala na silang pakialam sa isa’t isa. Dapat iyon communication nila para sa mga anak na lang nila. No more hot words.”
***
SA pelikulang Anak Ng Macho Dancer, mula sa Godfather Productions ni Joed Serrano, in cooperation with Black Water, kasama rito si Ricky Gumera.
Siya ang second lead dito. Gumaganap siya bilang si Kyle, na inabuso ng sariling ama.
Sa solo presscon na ipinatawag sa kanya ni Joed, ikinwento ni Ricky kung paano siya napasok sa pelikula.
“Nagkaroon ng audition ang Godfather Productions para sa Anak Ng Macho Dancer. E, wala talaga sa plan ko na mag-artista. Sabi ni Meg (Perez, ang manager ni Ricky), i-try ko raw. Nu’ng nag-audition ako, nandu’n si Direk Joel Lamangan (ang direktor ng pelikula). Kinakabahan nga po ako dun, eh,” simulang sabi ni Ricky.
Patuloy niya, “In-interview ako roon. Then, pinaghubad ako, damit at shorts. Naka-brief lang ako. Tinanong ako kung anong kaya kong gawin.
“Sabi ko, wala akong experience sa pag-aartista. Sa pageant lang at modelling. Hindi ko naman ini-expect na makukuha ako sa pelikula.”
May lovescenes ba siya sa pelikula?
“Opo! Marami akong lovescenes,” sagot ni Ricky.
“Basta ang masasabi ko lang po, aabangan ninyo itong Anak Ng Macho Dancer. Lalo na ‘yung character ko. Hindi ko ini-expect na magagawa ko ‘yung mga pinagawa sa akin sa movie bilang si Kyle.
Ang tinutukoy ni Ricky ay ‘yung frontal nudity scene niya sa pelikula.
Dahil sa pagiging daring ni Ricky, siguradong pagpapantasyahan siya ng mga bading. Pero okey lang ‘yun sa gwapong binata.
“Sa akin naman, walang problema ‘yun. Para sa akin, isang malaking karangalan na napansin nila ako,” pagtatapos ni Ricky.