Advertisers

Advertisers

Pulis patay sa banggaan ng pickup truck at SUV

0 256

Advertisers

NASAWI ang isang pulis habang 2 ang sugatan sa banggaan ng pickup truck at SUV sa Tupi, South Cotabato, Linggo ng hapon.
Kinilala ang nasawi na si Corporal Rolisher Gamueta, 40, nakadestino sa South Cotabato First Provincial Mobile Force Company.
Sa report, minamaneho ni Gamueta ang pickup truck nang mag-swerve umano ito sa kabilang lane. Sakto namang may kasalubong itong SUV sakay ang isang negosyante.
Sumalpok ang pickup truck sa SUV, napunta sa gilid ng kalsada at tumagilid.
Isinugod pa sa ospital si Gamueta pero binawian din ng buhay habang ginagamot.
Nasa maayos namang kalagayan ang driver ng SUV at ang sakay nito.