Advertisers
NASAWI ang isang negosyante nang tamaan ng ligaw na bala sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.
Kinilala ang nasawi na si Esmail Raja Alam Asnor, 23, buy and sell trade, ng Kidapawan City.
Sugatan naman ang target sa pamamaril na si Nasrudin Usman Guiamadin, 27, magsasaka, ng Barangay Bualan, Pikit, North Cotabato.
Ayon sa hepe ng Pikit PNP, Captain Mautin Pangandigan, habang bumibili ng underwear si Guiamadin kasama ang kanyang asawa sa loob ng public market sa Pikit bigla nalang itong pinagbabaril ng hindi nakilalang salarin.
Mabilis na tumakas ang salarin sakay ng motorsiklo sa naghihintay nitong kasama sa labas ng palengke.
Tinamaan si Guiamadin sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan, habang nasapol din ng bala sa dibdib ang negosyante na nakaupo lamang sa harap ng tindahan.
Bnawian ng buhay si Asnor sa Cruzado Medical Hospital, habang nasa kritikal na kondisyon si Guiamadin.
Blangko pa ang mga otoridad sa motibo ng pamamaril kay Asnor.