Advertisers

Advertisers

Marcos admin humirit ng P305-B para sa flood control sa 2025

0 13

Advertisers

NASA P305 bilyon ang hinihinging alokasyon ng pamahalaan para sa flood control sa susunod na taon.

Ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Sec. Amenah Pangandaman, ang pondo ay ibibigay sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno na siyang magpapatupad ng mga proyekto at programa sa ilalim ng 2025 proposed national budget.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Pangandaman na batay sa 2025 National Expenditure Program na isinumite nila sa Kongreso noong Lunes, P302 bilyon ang mapupunta sa Department of Public Works and Highways (DPWH), higit P2 bilyon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at higit P2 bilyon din sa Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU).



Hindi naman masagot ni Pangandaman ang tanong kung sa pamamagitan ng pondong ito ay maiiwasan na ang mga pagbaha dahil si DPWH Sec. Manny Bonoan lang aniya ang makasasagot nito.

Subalit, ayon kay Pangamdaman, hindi one-time projects ang gagawin ng gobyerno na kinabukasan ay makikita agad ang resulta.

Aniya, ang mahalaga ay namumuhunan na ang gobyerno ngayon pa lamang sa imprastraktura na nakasaad sa binabalangkas na masterplan ng pamahalaan. (Gilbert Perdez)