Advertisers

Advertisers

Fliptop rapper huli sa ‘damo’

0 210

Advertisers

ARESTADO ang sikat na fliptop rapper at ang kasama nito nang mahulihan ng halos dalawang kilong marijuana sa checkpoint sa Barangay Bitas, Cabanatuan City, Sabado ng hapon.
Kinilala ni Police Capt Lester Zafra, hepe ng Highway Patrol Group sa Nueva Ecija, ang mga dinakip na sina Julius Cenon na mas kilalang si “J-King”, 27 anyos, binata, ng Barangay Aduas Sur; at Nhel Anthony Manabat, 24, binata, ng barangay Imelda, Cabanatuan City.
Nakumpiska sa dalawa ang 1.8 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P240,000 at isang pipe tooter.
Ayon kay Zafra, pinara ng mga pulis ang motorsiklong sinasakyan ng dalawa dahil parehong walang suot na helmet. At nang sitahin ang bitbit na bag ng mga ito aytumambad ang mga droga na nakabalot sa dalawang malaking plastic.
Nakasakay sa isang isang motorsiklo na may improvised na plakang THAI-777 ang dalawa kungsaan natuklasan din na hindi rehistrado ang sasakyan.