Advertisers
TODAS ang 21-anyos dalaga na bagong recruit ng rebeldeng New People’s Army (NPA) nang makasagupa ang mga sundalo sa liblib na lugar sa Barangat Mahawan, Kananga, Leyte, Biyernes ng hapon.
Kinilala ni Captain Kaharudin Cadil, Civil Military Operations (CMO) ng 802nd Infantry Brigade (IB) ng Philippine Army, ang nasawi na si Rochelle Mae Bacalso alyas “Ruth/Justine”, bagong recruit at kasapi ng Sub-Regional Committee Levox, Eastern Visayas Regional Party Committee, CPP-NPA-NDF (Communist Part of the Philippines-NPA-National Democratic Front).
Ayon sa militar, may ilang buwan nang nawawala si Bacalso nang sumanib sa NPA. Inaalam pa kung isa itong estudyante nang ma-recruit ng mga rebelde.
Sa report, 3:35 ng hapon nang makabakbakan ang operating troops ng 93rd-IB ang grupo ng mga rebelde.
Magugunita na si Bacalso ay isa sa mga kabataang target masagip ng mga sundalo mula sa NPA rebels na pinamumunuan ni Juanita Selleza alyas Ka Tibor matapos na ma-recruit ng komunistang grupo.