Advertisers

Advertisers

Gulay nagtaasan na! Sili sumipa sa P500 per kilo sa Bulacan

0 221

Advertisers

NASA P5 hanggang P10 na ang isang piraso ng siling berde na gamit pamaksiw, depende sa laki, nang pumalo ng P500 per kilo ang puhunan sa kasaysayan ng mga retailer sa ilang palengke sa lalawigan ng Bulacan.
Ayon sa isang retailer na may puwesto sa isang palengke sa bayan ng Bulakan na halos 20 taon nang nagtitinda ng gulay, mahigit isang linggo nang sumipa sa P500 mula sa dating P200 per kilo kamakailan ang presyo ng naturang sili.
Aniya, ang P500 na presyo ng siling pamaksiw ang pinakamataas na naitala sa kanyang pagtitinda ng sili sa loob ng 20 taon.
Nabatid na P200 pababa ang per kilo ang naitalang pinakamataas na puhunan sa naturang sili kamakailan.
Inaangkat ang naturang sili sa probinsiya ng Nueva Ecija at Nueva Viscaya at may mga biyaherong nagbabagsak sa Malolos at hinahango naman ng mga retailer sa palengke mula sa ibat-ibang bayan.
Naniniwala ang maggugulay na ang ilang dahilan kaya tumaas ang presyo ng mga gulay ay dahil sa pagsalanta ng sunod-sunod na bagyo sa probinsiya at sa paparating na kapaskuhan.
Kaugnay nito, pumalo narin ang ampalaya sa P2,000 per bundle na dating P1,000 at talong na sumipa sa P800 mula sa P400 lamang kamakailan. (James de Jesus)