Advertisers

Advertisers

Archbishop Advincula bagong talagang Cardinal

0 199

Advertisers

ITINALAGA ni Pope Francis bilang bagong Cardinal ng Pilipinas si Capiz Archbishop Jose Advincula.
Kabilang si Advincula sa 13 bagong Cardinals na pinangalanan at itinalagang Santo Papa sa ginanap na seremonya sa St. Peters Basilica noong Sabado.
Si Advincula na ika-9 na Filipinong cardinal ay hindi nakabiyahe ng Rome upang makadalo sa seremonya bunsod ng Covid-19 pandemic.
Sa ulat mula kay CBCP News, Fr. Emil Arbatin, spokesperson ng Capiz Archdiocese, nanood lamang si Advincula sa pamamagitan ng video streaming kasama ang ilang mga pari.
Tulad ng idinidikta ng tradisyon, si Advincula ay naatasan ng titular church sa Roma tulad din ng ibang mga Kardinal.
Itinalaga siya ng Santo Papa na Cardinal-priest ng San Vigilio. (Jocelyn Domenden)