Advertisers

Advertisers

Cayetano kumpyansang magtutuloy-tuloy ang pag-unlad ng isports sa bansa sa ilalim ni Tolentino

0 247

Advertisers

TIWALA si Taguig-Pateros 1st District Representative Alan Peter Cayetano na mapapaunlad muli ng Philippine Olympic Committee (POC) ang larangan ng sports sa bansa at matututukan ang mga Pilipinong atleta sa ilalim ng bagong termino ng pamumuno ni Cavite 8th District Rep. Abraham “Bambol” Tolentino.
“Ang kanyang muling pagkapanalo ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng ‘vote of confidence’ ng mga lider ng national sport associations sa isang progresibong lider na mas tutugon sa kanilang pangangailangan,” sabi ni Cayetano matapos ang POC elections nitong nakaraang Biyernes, Nobyembre 27, kungsaan nahalal sa ikalawang pagkakataon si Tolentino bilang pangulo ng organisasyon.
Pinuri ni Cayetano ang pagiging epektibo at “inspiring” ng istilo ng pa-mumuno ni Tolentino na nakatulong upang maging isang malaking tagumpay ang pag-host ng Pilipinas sa 2019 SEA Games.
Pahayag ni Cayetano, chairman ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) na nanguna sa pag-organisa ng 30th SEA Games, malaki ang naging ambag ni Tolen-tino sa muling pagkapa-nalo ng Pilipinas sa nasabing paligsahan na ginaganap tuwing ikalawang taon.
“Umaasa kaming ang pamunuan ng POC ay patuloy na bibigyan ng inspirasyon at nararapat na suporta ang ating mga atleta lalo tuwing nasa kompetisyon,” ani Cayetano.
Hinikayat din niya ang pamunuan ng organisasyon na kumayod agad-agad para sa pangarap ng bansa na mas humusay pa sa mga darating na palakasan.
Kumpyansa rin si Cayetano na maipagpapatuloy ni Tolentino ang “legacy of winning” na iniwan ng nakaraang SEA Games sa bansa. “Inaasahan ko ring paiigtingin ng POC ang mga programa nito, at mananatiling nakatuon sa ating iisang mithiin – na ang sports ay maging isang nagniningning na inspirasyon para sa ating mga kabataan at maging daan tungo sa pagkakaisa ng buong bayan.”