Advertisers

Advertisers

Misis at kabit huling magkayakap ni mister

0 288

Advertisers

KULONG ang isang misis at kanyang kalaguyo nang mahuli sila sa akto ng kanyang mister na magkayakap sa loob ng kuwarto sa Aklan.
Inaresto ng mga miyembro ng Kalibo-PNP ang magkalaguyo na itinago sa pangalang Lorna, 22; at Kardo, 22, kapwa nakatira sa nasabing bayan.
Sa report ng Women and Children Concerned Desk (WCCD)-Kalibo PNP, naganap ang insidente nitong Linggo ng umaga, Nobyembre 29, sa inuupahang boarding house ni Lorna sa Purok 2, C. Laserna St., Kalibo.
Kuwento ng mister ng biktima na itinago naman sa pangalan “Ryan”, 23, ng Brgy. Cabugao, Batan, matagal na siyang naghihinala sa kanyang misis na may ibang lalaking kinalolokohan.
Sinabi pa niya na nagtaka siya kung bakit kahit araw ng Linggo ay hindi ito umuuwi sa kanilang bahay sa Batan.
Dahil dito, sinorpresa niya ang kanyang misis na puntahan sa boarding house at nasilip niya ang dalawa sa silid na magkayakap pang nakahiga.
Kaagad siyang humingi ng tulong sa himpilan ng pulisya at naabutan pa ang magkalaguyo na natutulog parin sa kuwarto ni Lorna.
Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang magkalaguyo.