WaterPlus Productions muling aarangkada… First directorial job ni Efren Reyes Jr. sa biopic ni April Boy
Advertisers
Ni Jovi Lloza
NEAR na ang pag-ikot at giling ng kamera ng WaterPlus Productions ni Marynette Gamboa.
Dati na nagkaroon ng pelikula ang WaterPlus Productions ilang taon na ang lumipas ay naging banta naman ang sexy female group na hawak ng kuwadra ng WaterPlus Productions ni MRG, and D’ Bodies kung saan ang kanilang hit single na Kiliti ay humataw sa pagiging number one.
Sa pagsibol muli ng WaterPlus Productions ni MRG ay isa na namang true to life story ng isang tinaguriang IDOL na si April Boy Regino ang kanilang gagawin.
Napagdesisyunan na isalin sa pelikula ang biopic ng Idol ng Bayan na si April Boy.
Pero palaisipan pa kung sino nga ba ang gaganap na April Boy sa pelikula ng WaterPlus Productions.
Much awaited itong handog ng WaterPlus Productions, “IDOL” The April Boy Regino Story will start its kick-off shooting.
Big break kay Direk Efren Reyes itong biopic ni Idol April Boy at knows naman ng lahat na napakalaki na ng naambag ni Efren as character actor sa industriya at maituturing na haligi na rin sa showbiz industry si Direk Efren.
***
Netizens nabulabog sa like ni Richard sa post ni Barbie
ABANGERS pa rin ang mga netizen sa like ni Richard Gutierrez.
Kamakailan lang kasi sa latest post ni Barbie Imperial sa kanyang socmed ay maraming nagulat na netizens sa post ni Barbie. Nag-post kasi ang Kapamilya actress ng naka-two piece sa isang pool.
Pero ang ikinaloka ng netizens ay itong napamulagat at napansin nila ang like ni Richard sa pic ni Barbie kaya bulabog at abangers ang netizens.
Sa kabila ng pagkaka-link ng dalawa, hanggang ngayon ay palaisipan pa rin kung ano ang tunay na estado ng kanilang relasyon.
Nananatili namang tahimik pareho ang dalawa sa kabila ng ugong na madalas silang makita na magkasama.
Well, well, well…’Yun na!