Advertisers

Advertisers

GAMBLING MONEY BABAHA SA LAGUNA SA HALALAN 2025

0 26

Advertisers

Maugong ang usap- usapan sa apat na sulok ng lalawigan ng Laguna at ito ay patungkol umano sa ” gambling money” na nakatakdang ipamudmod para sa reelection bid ng mga incumbent politicians ng probinsiya.

Ito umano ang demand ng isang mataas na opisyal ng lalawigan sa lahat ng illegal gambling operators ng Laguna.

Largado na umano ang lahat ng uri ng iligal na sugal sa probinsiya ni Governor Ramil Hernandez.



Isang pulis na may bansag na Sgt.Adlawan ang nagpahatid ng balitang ito sa lahat ng gambling operators ng Laguna partikular na sa asosasyon ng mga perya operators sa buong probinsiya.

Ngayon pa lamang ay times three (3x) na ang goodwill at timbreng hinihingi sa mga pasugalan kapalit ng immunity ng mga ito sa huli o raid.

Si Sgt.Adlawan umano ang tumatayong designated bagman ng Governor’s Office at ng PNP Provincial Director ng Laguna.

Ibig bang sabihin nito,mismong si Gov.Hernandez ang nagdemand sa mga gambling operators para magdonate ng campaign funds ngayong darating na 2025 midterm elections?

Ang siste,hindi lamang si Gov.Hernandez ang aayudahan mula sa pera ng iligal na sugal kundi ang buong partido ni governor.



Pati ang mga alkaldeng kapartido at kaalyansa ni Gov.Hernandez ay mabibiyayaan din mula sa donasyon ng mga gambling operators ng Laguna.

Kaya naman pala malayang nakakapag- operate sa ngayon ang mga peryang may sugal sa halos lahat ng bayan at siyudad ng Laguna tulad ng sa Binan, Sta.Rosa , San Pedro, Calamba, San Pablo, Pagsanjan, Bay at Calauan.

Lagum na umano ang kinokolektang payola sa mga lugar na ito ni Sgt.Adlawan.

Ang masakit na kinukumpirma pa natin ay ang ulat na pati drug money o pera mula sa droga ay posibleng gamitin sin ng mga pulpol na pulitikong ito bilang campaign funds o sa direktang salita ay pambili ng mga boto ng tao.

Pangalan na ni Gov.Ramil Hernandez ang kaladkad dito dahil sa pagma- Marites ng asosasyon ng mga peryante ng Laguna.

Doble- doble na raw kasing pasanin sa kanilang negosyo ang payolang ipinamumudmod at ipinalalamon sa mga patay- gutom at matatakaw na kapulisan, dumagdag pa umano ang opisina ni Gov.Hernandez at ang mga mayors ng kanilang bayan at siyudad para pondo sa eleksyon.

Ang kakapal ng FACE!

Wala kayang nabubukulan sa sistemang ito?

Hindi naman siguro ganuon katapang at kalakas ang loob nitong si Adlawan na gamitin at ipangolekta ng payola itong si Gov. Hernandez at ang kanyang Provincial Director (PD) ng Laguna PNP kung di totoo?

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com