Advertisers

Advertisers

Bagong talagang PNP Personnel ang ha-hunting ke Pastor Apollo Quiboloy — to the tune of Php10 million

0 12

Advertisers

Nitong mga nakaraang araw tampulan sa usap-usapan sa apat na sulok ng bansa ang Php10 milyong pisong prize money sa sinumang makapagtuturo sa kinaroonan at ikaa-aresto ni Pastor Apollo Quiboloy. Maging si PBBM, sa sunod sunod na pakikipanayam niya sa mga mamamahayag ipinagtanggol niya ang halagang ito na umano’y galing sa mga concerned citizen — at kung bakit? Alamin natin sa mga susunod na kabanata ng hunting season na ito laban kay Quiboloy.

Ilang pulitiko lalo sa maunlad na probinsiya ng Davao ang di makapaniwala na ang napakalaking halagang pabuya ay sa mga mamamayan galing. Ang hula nila at siguro ang hula ninyo mga mambabasa ng kolum na ito ni Koyang ay pareho — sa Malacanang? Ewan natin. Pero sa tinatakbo ng mga pangyayari ang effort ng gobyerno lalo ng PNP, ay nagambala dahil sa pagkaka-relieve ng ilang PNP personnel kasama ang ilang officials nila sa PNP Regional Office 11. En masse sabi nga iba…wallop sabi naman ng ilan…at ang mga nasa kuwadra ng Camp Crame – – ni-lump sum, hehehe.

Sadyang ang kaso ni Quiboloy, na alam ng lahat at malapit ka dating Pangulong RRD na tipong hindi nababagabag sa mga nagsulputang storya na kesyo alam niya kung saan naroon ang kaibigan—at kung ito ay itatanong sa kanya ay hindi niya sasabihin. Sa tingin at taya ng ibang legal luminary, ang pahayag ni dating PRRD constitute a violation of law na sabi ng marami ay “obstruction of justice?!”



Aba, hindi nga naman ito biro-biro! Sa tutuo lang, bilang isang abugado at naging piskal pa, alam ni dating PRRD from where he is talking! Hindi ko rin tahasang masasabi na nasagad na ng mga nagkokomento na mayroon ngang pananagutan si dating PRRD kung dumating ang araw na si Quiboloy ay ihararap upang litisin sa kanyang pagkakasala ayon sa husgadong naglabas ng kanyang mandamiento de aresto.

Well, hindi tayo uusad sa ganitong klase ng lipunan at pamamahala ng ating hudikatura at pagpapairal ng batas. Parang ang anarkiyang dating nasa kalye lang e, nauwi na sa kabuuan ng lipunan. The power is no longer with the people…its now in the hands of a few! Ang hakbang na ipinatupad ng PNP sa kanyang nasasakupan ay parang kinukuwestyun ng maraming pulitiko – – na ito’y kalabisan? Ang PNP ay may sariling mandato na dapat nitong ipatupad at tuparin at sa huli ng mantrang ito To Serve and To Protect, With Favor Towards None.

Sa mga tumutuligsa sa ginawa ng PNP sa kanyang PRO11, may sariling batas ang PNP na naangkop sa Konstitusyon ng Pilipinas! Kung mayroon kayong ibig linawin sa kanilang ginawa, dapat siguro sa mga lumilok ng batas na bumuo sa PNP ang kanilang tanungin.