Advertisers

Advertisers

MALASAKIT NI BONG GO SA ALAS PILIPINAS VOLLEYBELLES

0 4

Advertisers

TUNAY na bisyo na ni Senator Bong Go ang magserbisyo sa sambayanang Pilipino ano mang sektor ang kinabibilangan at totoo ang kanyang pagiging pinaka-workaholic na lingkod-bayan 24/7 nang taos at walang anumang kulay dahil ganyan na siya mula day one ng kanyang panunungkulan bilang Senador at pagtupad lang ng kanyang pangako sa tao.

Kung iyong ibang halal ng bayan ay sinusulit ang kanilang recess sa Senado sa ibang bansa, ibahin niyo sa SBG dahil ang kanyang bakasyon ay ang paglapit at pagmalasakitan ang mga higit na may pangangailangan pang-kabuhayan.

Imagine ang isang iniluklok ng bayan na si Senator Go noong Martes ay nakuha niyang mag-lagare ( madalas) upang maglingkod sa La Union pagkatapos ay deretso siya hanggang Nueva Ecija para sa opisyal na lakad then pabalik sa Manila deretso sa PSC para pagmalasakitan at pagkalooban ng kaukulang insentibo ang ating pambansang atleta tulad din ng pagkaloob niya kamakailan ng marapat na baon sa ating Paris- bound Olympians para sa susunod na buwan thru Philippine Sports Commission.



The Senate Committee on Sports, ani pa Go, together with the PSC, personally handed over financial support worth 200,000 pesos to each of the 14 volleyball players and 9 coaching staff.

Ito ay matapos ang bronze medal victory ng bansa sa ginanap na Asian Volleyball Challenge Cup dito, which Go personally witnessed last May 29.

Ang suporta aniya ay naglalayon matulungan silang maghanda sa susunod pang mga international na laban.

“Itong financial support from PSC… ay para makatulong sa kanila. Pero ang importante dito ay ang drive to win. At stake dito ang ating flag, ang ating bayan. Lagi kong sinasabi sa kanila na give your best,” ani Go.

“Karangalan po yun para sa ating bayan kaya dapat po ma-increase po ang suporta at incentives mula sa gobyerno para sa ating atleta. Maliit na halaga yan kumpara sa kanilang hirap at sa karangalan na dala dala nila habang-buhay para sa ating bayan,”



Ang Alas Pilipinas Volleyball players ay binubuo nina Anne Anjel Canino, Julia Cyrille Coronel, Julia Melissa De Guzman-Morado, Arrah Ella Panique, Thea Allison Gagate, Vanessa Gandler, Ejiya Laure, Dawn Nicole Macandili-Catindig, Jennifer Nierva, Faith Janine Shirley Nisperos, Cherry Rose Nunag, Dell Palomata, Cherry Anne Rondina, and Mereophe Sharma habang ang coaching staff kinabibilangan nina Jorge Edson De Brito, Ronwald Kris Dimaculangan, Eduardo Ortega, Grace Gomez, Joyce Antoniette Palad, Justin Santos, Norman Montalvo, Hollie Reyes, and Angelica Bautista.

“I am proud of Alas Pilipinas and I will continue to support Philippine sports, lalo na yung mga grassroots talaga,” wika ng dating basketball varsity player sa Davao City na si SBG.

Ganyan magmalasakit ang butihing Senador sa mahal niyang kababayang mga modernong bayani ng bayan at iyon ding mga nasa laylayan ng lipunan na tunay na abot ng kanyang malasakit.

Serbisyo pa more…our dear SENATOR!