Advertisers
Mariing pinuna ni dating Sen. Antonio Trillanes IV ang umano’y magarbong pagdiriwang ni Caloocan City Cong. Oscar Malapitan ng ika-70 kaarawan nito sa isang mamahaling hotel kamakailan na umabot umano sa halangang P3 million.
Sa isang ambush interview, sinabi ni Trillanes hindi magandang ehemplo ang ipinakita ni Malapitan na habang nagdiriwang ng magarbong kaarawan ay marami namang mga taga-Caloocan ang naghihirap.
Nabatid pa sa dating senador hindi rin daw isyu kung personal na pera ni Malapitan ang ginamit o ginastos sa birthday party.
Mas masarap daw sana sa pakiramdam kung nagsagawa na lamang ng kanyang kaarawan ang mambabatas sa piling ng kanyang mga constituent.
Kaugnay nito kinuwestyon din ni Trillanes kung saan galing ang pinangastos sa magarbong b-day party ni Malapitan.
Ayon sa source ang umano’y b-day celebration ni Malapitan ay ginawa noong June 14 sa isang sikat at mamahaling hotel sa Pasay na dinaluhan ng 1,000 bisita kasama ang mga barangay at city officials, mga negosyante, celebrities, top gov’t officilas tulad ni Senador Bong Go, Francis Tolentino at JV Ejercito.(Boy Celario)