Advertisers

Advertisers

“AGAWANG-BOLA” SA WEST PHILIPPINE SEA

0 5

Advertisers

ALARMING ang scenario sa West Philippine Sea sa mistulang ‘agawang bola’ ng pag-angkin ng China sa teritoryo ng ating bansa samantalang idineklara ng International Tribunal ng magkakaanib na bansa o United Nations na sa Pinas ang sovereign rights ng WPS at ang hatol ay final according to international.law, no appeal.

Kailangan po nating suportahan ng ating Inang Bayan.Di po ba ang lahat ng fields of competition kabilang ang Sports ay itinayo para iwagayway ang bandila ng bansa para sa karangalan at showcasing ng talent, courage and determination ng mga anak ng bansa?

Nakahilera po ngayon ang papalaking bilang mula sa dosenang warships at aircrafts sa pagbabantay sa WPS na unang pinostehan ng guarded warship ng China at binabawalan, itinataboy ang mangingisdang Pinoy.



Ilang palit na ng liderato sa bansa ang dumaan hanggang maideklara na atin ang WPS year 2013.

Sa panggigipit at pag-angkin ng China sa ating karagatan, nakasubaybay ang allied countries led by the United States with other big countries all over the world. Nangha-harass na ang China sa mga sumusugod sa WPS pero pigil ang aksyon ng ating depensa at iwas-putukan sukdulang gumamit ng ibang light defense to avoid putting fire for a smell of war to possibly destroy the country.

Makiisa po tayo sa panalangin at pag-voice out sa social media at lahat ng Media outlets para ipagtanggol ang Pinas.

BANSA O PROVINCE
PARA SA TITULO NG PINAS?
KUNG babalikan natin ang Philippine History, dati na tayong paulit-ulit sinagip ng US at nagtagumpay sa foreign invaders, kaya nga may General Douglas McArthur at may Fil-Am Friendship Day. Nang masagip ang Pinas from Japanese invaders, hiningi nina MANUEL QUEZON at SERGIO OSMENA ang ganap na kalayaan at naging bansang may sariling pangulo at buong liderato ang Piliipinas kahit pwedeng maging state ng US. Ngayon, isa tayong lahing may kilalang bansa, tangka ng China na gawing province ang Pinas, sino ang papayag?

MASAMANG LIDERATO NG CHINA?
KUNG titingnan ang scenario sa liderato ng China, mapaaisip tayo kung bakit kumalas at ayaw itong i-recognize ng dating sakop na Taiwan mismo, ganundin ang Hongkong at Macau.Payag po ba tayo na mawalan ng kasarinlan, syempre, hindi. Ang malinaw na problema, wala tayong maipanlalaban pagdating sa armaments, hindi nakapag-handa ng sariling warships at tamang armas ang Pinas kaya binubully at inaabuso ng China.



SINO ANG MAGBUBULSA NG TITULO?
SUPORTADO man ng iba-ibang bansang nagpapadala ng bantay na warships at air force ang WPS ngayon, hindi mapalagay si Juan dela Cruz. May mga ispekulasyon na ‘benta ang laro’ kumbaga sa Basketbol, ibinenta nga ba o ipinagpalit sa trilyones ng itinuturong dating lider ng bansa ang WPS?

May magkalabang teams, PINAS versus CHINA, may sponsors, players, guards tulad sa Basketbol. Sana, malampasan natin ng highly perilous trials ng ating mahal na bansa. Sino ang magbubulsa ng titulo? LABAN, PILIPINO! GOD BLESS the PHILIPPINES!