Advertisers
Kahapon (June 24) ginunita ang 453rd MANILA FOUNDING ANNIVERSARY na noong June 24, 1976 ay idineklarang PHILIPPINE CAPITAL ang MANILA sa administrasyon noon ni dating PRESIDENT FERDINAND MARCOS SR.., subalit pinangangambahan ngayon ng ilang MANILENYO na ang kanilang lungsod ay maging CAPITAL OF CORRUPTIONS dahil sa PAMAMAYAGPAG ng ilegalidad sa kanilang CITY GOVERNMENT.
Tulad na lamang nang inilunsad ng MANILA CITY GOVERNMENT
noong COVID-19 PANDEMIC ang GO MANILA APPS na isang mobile application na pang-asiste sa ikaaalwan ng CITY GOVERNMENT SERVICES.., subalit pagpo-problema ang dinadanas ngayon ng maraming user ng nasabing apps.
Teka.., ano nga ba itong GO MANILA APPS? Ito ay mobile application na kung i-install sa computer o celfone, ang mga netizen ay hindi na kakailanganin pang sumadya sa MANILA CITY HALL para sa kanilang mga transaksiyon o pagbabayad ng kanilang mga Real Property Tax, Business Tax, Cedula, Local Civil Registry, Occupational Health Permit at maging sa konsumo ng tubig, kuryente ay magagawa na ang transaksiyon sa pamamagitan ng GO MANILA APP. Ito ay nilikha noong COVID PANDEMIC upang hindi malagay sa peligro ang kalusugan ng netizens.., subalit pagpo-problema pala ang naging resulta na dinadanas ngayon ng ilang MANILA NETIZENS.
Pinangangambahan ng ilang MANILA CITY EMPLOYEES ay baka pagsapit ng ilang taon ay mabulaga na lamang ang ilang mga residente na hindi na nila pag-aari ang kanilang bahay at lupa dahil walang record sa kanilang pagbabayad.
PAGING MANILA CITY MAYOR HONEY LACUNA.., matindi pala ang problema sa inyong CITY GOVERNMENT- na kung hindi ipinapaalam ng mga pinagkakatiwalaan ninyo ang mga problema at sa halip ay puro positibo lang ang inirereport sa inyo e tila pinaglalaruan na po kayo para masira ang inyong imahe.., at bilang MALASAKIT ng ARYA ay narito po ang mga detalye na ibinulong ng ating ARYA BEES.
Ang mga nag-aaplay at nagre-renew ng business permit ay pinahihirapan para mapilitan ang mga ito na maglagay daw sa CHIEF ng ELECTRONIC DATA PROCESSING na si FORTUNATO PALILEO dahil ang GO MANILA APP ay walang check and balance o kahit anumang audit trail.., na bilang “super user” account na gamit ay isang pindot lamang mamamanipula na ang lahat; dinidisapprove daw ni BUREAU OF PERMITS FEE LEVI FACUNDO ang mga nag-aapply ng new business at kung anu-ano ang hnahanap na papeles na hindi naman kailangan sa nasabing application ng new business. Pag nire-apply uli sa GO MANILA at nakumpleto na ang requirements ay sasabihin na may delinquency raw kasi may inapply noong una na siya naman (LEVI FACUNDO) ang nagdisapprove pero sa isang ‘abutan’ e ayos na raw ang lahat hehehe.., na bukod diyan ay nire-require ang lahat na kumuha ng PUBLIC LIABILITY INSURANCE (PLI) maski hindi naman kailangan dahil pinag-iinteresan ang comission galing sa insurance company na 70% napupunta raw kay FACUNDO dahil wala naman talagang maki-claim na anuman sa insurance kasi papel lang daw ang puhunan nila.
May pangyayari pa raw sa pagitan nina PALILEO at FACUNDO dahil sa iringang KADATUNGAN e nagkahabulan daw ang mga ito hanggang sa TREASURER’s OFFICE para magpanuntukan.., yun nga lang ay marami ang umawat sa kanila.
Ang isa pa raw na matinding kurapsiyon ay ang mga gustong magnegosyo at nagre-renew ng permits dahil mistulang hinoholdap daw ang mga ito sa ZONING OFFICE
MAYORA LACUNA.., eto po ang reklamo ng mg gumagamit ng GO MANILA APP.., mahirap gamitin;
mataas ang assessment dahil may “CONVENIENCE FEE sa STATEMENT OF ACCOUNT (SOA) subalit pag nabayaran na ay wala sa breakdown of fees ng OFFICIAL RECEIPT; maraming napeke dahil ang OR at Permit ay sa bond paper lamang nakaprint; hindi nagsusukli ang kiosk pag sobra ang bayad na naihulog sa GO MANILA KIOSK ay change receipt ang ilalabas ng makina na maaari raw magamit uli pag ginamit ang kiosk; mahirap maka-connect sa GO MANILA APP; may mga number kung saan pwede tumawag kung may anumang reklamo subalit walang sumasagot sa numerong binigay; pag nagpunta physically ang tao sa CITY HALL para magreklamo ay pinagtuturu-turuan ng EDP at BUREAU OF PERMITS; ang Real Estate payments na manual na pinopost, ay maraming reklamo na nagbayad subalit sa system ay delinquent; ang CHECQUE PAYMENT ay sa DRAGON PAY o sa MULTISYS pinapangalan at hindi sa CITY TREASURERS OFFICE…, na tuwing hapon daw hinahakot ng taga MULTISYS/DRAGON PAY ang pera sa loob ng kiosk, isinasakay sa armored car palabas ng CITY HALL araw-araw gayong may sariling VAULT ang CITY TREASURERS OFFICE.
Tuwing hapon hinahakot ang PERA palabas ng CITY HALL.., may bukas bang banko o may special deal sa banko na hapon ideposito ang koleksiyon na ang concern ng ilang MANILA CITY EMPLOYEES ay ang seguridad sa FINANCIAL ASPECT ng kanilang CITY GOVERNMENT at hindi mapunta sa bulsa ng iilang personalidad.
Panawagan ng MANILA CITY EMPLOYEES kay MAYOR LACUNA na siyasatin nito ang lahat ng aspeto at masupil ang mga KURAPSIYON sa kanilang CITY GOVERNMENT!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.