Advertisers

Advertisers

Pagbabago sa mga barangay na binulabog ng NPA, dala ng SBDP

0 13

Advertisers

Matagumpay na muling umuusad and mga mahihirap na barangay sa mga kanayunan dahil sa Support to Barangay Development Program (SBDP) ng National Task Force to End Local Communists Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ito ang iniulat ni NTF-ELCAC Deputy Executive Director at SBDP Action Officer Monico Batle sa isang virtual press.

Kasama ni Batle, si Engr. Rene V. Valera, Office of Project Development Services Assistant Director and Localization of EO70 Project Management Office Head-DILG, sa pagtalakay ng temang: “Empowering Barangays: SBDP’s Success in Uplifting Conflict-Affected Communities.”



Anila, naiangat na ang mga lugar na ‘conflict-affected communities’ dahil sa mga inilatag na infrastructure projects, enhancing accessibility, education, technology, at healthcare services sa.mga barangay na ito, na nagbunga na rin ng kasiglahan sa.mga naninirahan doon.

“Unang-una, yung travel time, kung dati ang nakakadaan lang diyan ay kabayo at kalabaw eh ngayon, pwede na silang gumamit ng 4-wheel na sasakyan, pwede na motor at habal-habal. So ang resulta niyan, yung kanilang agri-products napapadala nila sa merkado ng maiksing oras. (So) isa yan sa mga naging impact na generic sa lahat yung produkto nila ay napupunta nila sa merkado ng mas maaga kaya malaki yung impact ng economy sa sitio o nung barangay,” paliwanag ni Batle.

Ang mga mag-aaral ay ganun din, na dating naglalakad ng malayo, at ang iba oa nga ay tumatawid pa ng mga ilog at sapa para lamang makarating sa kanilang mga paaralan ay ngayo’y hatid-hatid na ng mga habal-habal.

Ayon kay Batle, mga ‘basic services’ ito, gaya ng healthcare, na naroon na din sa.mga barangay sa kanayunan upang di na sila dumayo pa sa center sa bayan.

Nagkaroon na rin sila ng electrification, na nagpagaan na rin ng komuniskasyon, at makagamit sila.ng mga bagong gamit gaya ng cellphones, television, music, at online services.



Ang mga pagbabagong ito, ayon kay Batle ay dahil sa nailatag na SBDP tulad ng 1000 kilometro ng Farm to Market Roads (FMRs) na lalong nagpasigla ng mga aktibidad sa mga kanayunan at nagbukas ng ekonomiya at kalakara, upang ang kanilang mga agricultural products ay maibenta.

623 classrooms na din ang mga naitayo, sabi ni Batle, kasama ang 447 health stations at 14,800 rural electrification projects na nagbigay sa mga barangay ng mga street lighting upang maging ligtas ang kanilang mga daraanan.

Ayon pa rin kay Batle, ang limang to regions na nalatagan ng SBDP project noon lamang 2021 ay Region 11 na may 545 projects. Sinundan ito ng Reg. XIII na may 349; Reg. XI – 291; Reg. VI – 231; and Reg. XII – 197.

Sa taong 2022, ang Reg. V ay may 341; Reg. VIII – 266; Reg. X – 167; Reg. XI – 125; at Reg. XII – 104.

At sa year 2023, ang top 5 SBDP beneficiaries ay Reg. VIII – 126; Reg. V – 191; Reg. III – 92; Reg. IV-A – 43; and Reg. VI – 26.

Ang SBDP beneficiaries ay mga barangays na napalaya na sa kuko ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) at tinatawag ang mga ito ngayon na Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAs).

Nagawa ito, ani Balte, sa pagsisikap ng pamahalaan na idaan sa “whole-of-government/whole-of-nation” approach at good governance, na siyang magdadala ng pagkakaisa, kapayapaan at kaunlaran s ilalim ng “Bagong Pilipinas” ng Marcos Jr. administration.