Advertisers
Maliban anila sa West Philippine Sea (WPS), penetrated na rin ng China ang National Capital Region (NCR) at ilang mga probinsiya sa Luzon from north to south.
Ito ang sinasabi ng ilang mga eksperto hinggil sa kanilang pag-aaral at ebaluwasyon sa mga gina-gawang pagkilos at aktibidad ng mga Intsik sa Pinas.
Sinasabi rin nila na ang ginagawang pagkilos ng China sa WPS ay front lang at nagre-reverse psychology lang para mas malawak ang maging konsentrasyon nila dito sa NCR at Luzon.
Kung may mga instalasyon daw na ginawa ang China sa ilan mga isla sa WPS, mas higit na marami daw at mas makabago ang tinayo ng mga ito sa NCR at Luzon.
Kabilang na daw sa mga ito ay ang mas malawak na communication system na malamang na pinamamahalaan ng mga Chinese militia at revolutionary army ng China.
Ang mga ito ay siguradong hindi nakadeklara sa Gobyerno siyempre naman. Sigurado rin daw na marami itong mga pasikot-sikot na lagusan kabilang na ang mga underground tunnel.
Saksi tayong lahat sa ginawang raid ng ating gobyerno sa ilan mga establistamento sa Bamban at Porac sa Pampanga na napag-alamang mga POGO hub.Maraming mga politiko ang kwestiyonable dito kabilang na ang dalawang Alkalde, Senador at Congresswoman.
Libong mga Intsik umano ang naninirahan at namamahala nito. Meron naman silang mga kaukulang mga dokumento na hindi natin malaman kung sino ang nag-ayos.
Kabilang sa mga nasamsam dito ay mga high-tech communication system, high-powered firearms, milyong pisong halaga ng pera at mga uniporme umano ng mga Chinese Revolutionary Army.
Ang mgaito ay obvious na galing ng mainland China sa kadahilanang hindi ito marunong mag-tagalog at english. Kailangan pa ng mga ito ng translator.
Sa puntong ito at batay sa mga ebidensiyang nakumpiska, nagiging matibay ang pangitain na penetrated na ng mga Intsik ang ilan mga probinsiya sa Luzon.
Kung nakapasok na si sila sa Luzon, mas siguradong pasok na rin ito sa NCR na ganitong klase ng istilo rin malamang ang ginawa.
Huwag na tayong magtaka na infiltrated na ng mga TSEKWA ang Pinas. Mantakin mong ang naging financial adviser noong nakaraang administrasyon ni FPRRD ay puong Intsik na si Michael Yang.
Ito umano ay talagang puro na kumbaga sa manok ay purong Texas dahil ito ay hindi rin marunong managalog at balu-baluktot ang English.
Sina-sabi rin na itong si Wang ay ang pinakahari ng mga drug-lord dito sa Pinas na nagpa-patakbo ng maraming laboratoryo ng shabu dito sa bansa.
Siya rin ang representante ng PHARMALLY na wala namang sapat na pondo nguni’t nanalo sa bidding at purchase ng bilyon-bilyon halaga ng medical supply noong panahon ng pandemic. Financial adviser iyan ha.
Iba rin talaga ang tinitingnan sa tinititigan, hindi ito makakakilos ng ganito kung walang blessing at basbas sa kinauukulan kung kaya’t hindi malayong ma-domina tayo ng mga Tsekwa pag-dating ng panahon.
Kung totoo nga ang ebaluwasyon ng mga eksperto, doblehin natin ang pag-iingat at pag-handaan din ang sinasabing surprise attack dahil hindi mag-uumpisa ang gulo sa WPS kundi dito mismo sa NCR kung nasaan ang seat of government.
Hindi pwedeng masakop ang Pinas hanggat hindi nakukuha ang Maynila dahil kung saan ang Maynila, nandoon ang bansa.