Advertisers

Advertisers

PERGALAN HAVEN NA NGA BA ANG REGION 4A?

0 22

Advertisers

Sa mga PNP regional commands sa buong bansa,tila ang PNP Region 4A ang ayahay sa dami ng iligal na pasugalan.

Sa mga peryang may sugal pa lamang,sapat ng makapagtayo ng dalawang mansyon ang sino mang opisyal na nakapuwesto dito bilang hepe o regional director.

Dalawang kupal ang umaaktong bagmen ng PNP Region 4A.



Ang mga ito ay sina alias Rico at Adlawan na ipinagsisigawan na may quota silang inire- remit sa Kampo Crame on a weekly basis.

Medyo may lahing ibong Kilyawan itong si Rico at Adlawan.

Madaldal at matabil!

Akalain nyo bang ipangalandakan na naghahatid sila ng payola mula sa mga operators ng pergalan sa buong CALABARZON sa tanggapan ni CIDG Director, General Leo Francisco at PNP chief, Gen.Rommel Francisco Marbil.

Kaya tumutol man umano ang kung sinong Herodes na opisyal sa PNP Region 4A laban sa prolifiration ng illegal gambling operations sa AOR nito ay walang magagawa!



Nganga ika nga.

Walang power si RD, R1 at si R2 at mas lalo na ang mga hepe ng lokal na kapulisan.

So to make the story short, untouchable na ang mga gambling operators na para kay PNP chief Gen.Marbil ay maituturing na” lesser evil” offenders ng batas.

Ayon pa sa mga kupal na sina Rico at Adlawan, pursigido sila sa pag- orbit ng intelihensiya dahil nagre- raise sila ng pondo para sa nalalapit na 2025 midterm elections.

Sino nga bang heneral ang posibleng pumasok sa pulitika at nangangailangan makalikom ng campaign funds?

O baka naman sa misis ng isang heneral inilalaan ang pondo dahil magre- return of the comeback ito sa political arena after ma- “Luz Valdez” ng nagdaang mga halalan?

Sa Pasay ba?

Hehehe!

Going back sa mga sandamukal na puwesto ng mga peryang may sugal sa CALABARZON, eto po ang kanilang mga lokasyon…

CAVITE:Binakayan, Kawit at GMA

LAGUNA: Binan, Sta.Rosa, Calamba, Bay,Pila,Paete, Sta.Cruz, Siniloan at Calauan. QUEZON: Lucena,Tiaong, Sariaya, Candelaria at Gumaca

BATANGAS: ( lahat ng bayan sa nasabing probinsiya)

RIZAL: Taytay, Binangonan, San Mateo, Montalban (Rodriguez).

General Marbil sir, isa ka rin ba sa mga naging hepe ng pambansang kapulisan na maika- kategorya sa mga heneral na ” too good to be true”?

Nagtatanong lang po mahal na heneral.

Kasi problema sa illegal gambling di nyo kayang mapatigil pero sa mga pagharap nyo sa media at sa mga press releases ng PNP, bidang- bida kayo as if parang may tunay na reporma kayong ginagawa sa PNP.

Puro porma lang pala !

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com