Advertisers

Advertisers

Angeline ‘di ikinahihiya ang pagiging retokada; Glaiza nag-enjoy na sa Aurora, ayaw na bumalik sa Manila

0 356

Advertisers

VERY proud si Angeline Quinto sa pagiging retokada at wala naman itong kiyeme at inisa-isa sa kanyang IG kung anu-ano ba ang mga cosmetic surgery na kanyang pinagawa.

Tulad ng eyelids surgery, arm liposuction, belly liposuction, thermage, gluta at breast reduction.

Kahit nga ang kanyang ilong eh napagkamalan ng netizens na produkto rin ng Salamat Po Dok.



Pero itinanggi ni Angeline na nagparetoke ito ng ilong pero nakapagtanong na ito regarding sa kanyang nose.

Ang ilong nga lang daw ang hindi nakasama sa naiparetoke ni Angeline.

Wala naman nakikita na masama si Angeline sa nagpaparetoke.

As long nga raw na may salapi at can afford naman ang pagpaparetoke eh bakit naman hindi kung may maganda itong benefit kagaya ni Angeline na ini-enjoy ang kanyang mga ipinaretoke sa kanyang katawan.

Dedma si Angeline kung sabihan man siya na retokada at wala namang keber ang singer-actress sa sasabihin ng iba.



Magparetoke man daw ito eh never naman niya hiningi sa ibang tao ang pera na ipina-repair nito.

Basta si Angeline, proud retokada at wala na itong care sa sasabihin ng iba.

***

GLAIZA NAG-ENJOY NA SA BALER, AYAW NA BUMALIK NG MANILA

MUKHANG nag-e-enjoy at ayaw na nga bumalik pa ni Glaiza De Castro sa Manila.

Good desicion naman para kay Glaiza at pamilya na magtungo sa kanilang Beach House sa Baler, Aurora.

Hanggang abutan na ito ng lockdown doon.

Wala raw pagsisisi nang abutan doon ng lockdown si Glaiza at pamilya kapalit naman ng pananatili ng limang buwan sa Baler ang magagandang tanawin.

Dagdag pa ang nakasanayan nung dumalaw sila noon makalipas ang dalawang taon para sa bed in breakfast Bukod naman sa magandang tanawin sa nasabing lalawigan eh ang sarap nga raw manatili doon dahil sa sariwang hangin.

Dagdag pa ang pagkakaroon na ng mga ka-friendship ni Glaiza sa nasabing lugar.

Pag nagkataon eh baka makalimutan na ni Glaiza na tumuntong or bumalik sa Manila kapag nasisiyahan na ito sa pananatili nito sa Baler.

Well, well, well…’Yun na! – (Jovi Lloza)