Advertisers

Advertisers

TULOY ANG WINNING TRADITION NG DAVAO OCC.TIGERS COCOLIFE SA MPBL

0 15

Advertisers

NAUNGUSAN ng Davao Occidental Tigers Cocolife,— sa pagpapatuloy ng mga laban sa MPBL 2024 Season kamakalawa sa Pampanga Convention Center.

Patalasan ng game strategy sina Tigers coach Manu Inigo at Bonnie Garcia ng mga Ilongos dahil magmula sa umpisa ay di naghiwalay ang protagonista mula Mindanao at Visayas.

Sinimulan ng tres ni Tiger Kelly Nabong sa unang tikada ng bakbakan habang nanguna si James Una sa madulas na opensa ng Negrenses kung kaya naging dikdikan ang tunggalian.



Ang halftime score ay 32-all.

Isang krusyal na agaw ang nagawa ni Jun Manzo ng Davao kasunod ng penalty foul sa huling 15 segundo para iselyo ang panalo para sa koponang pagaari ng Bautista clan at suportado nina Cocolife President Atty. Jose Martin Loon, SVP Joseph Ronquillo, VP Rowena Asnan at EVP Atty. Elmore Omelas. (Danny Simon)