Advertisers
Viral sa online ang isang babae na bumili ng mamahaling cellphone na mahigit P88,000 ang presyo gamit ang napulot niyang credit card.
Ibinahagi ng netizen na si J-eazy Drake Garcia sa Facebook ang litrato ng naturang babae na siya umanong nakapulot sa wallet ng kanyang kliyente at ginamit ang credit card nito.
Ipinakita rin niya ang larawan ng resibo kung saan ginaya umano ng babae ang pirma ng kanyang kliyente at gumamit din ng pekeng address sa Quezon City.
Nakatira umano sa Antipolo City ang totoong may-ari ng credit card.
Baka may nakakilala dito. Nalaglag wallet ng client ko may laman na 30,000 cash. At 3 credit cards.
Pagkapulot sa Masinag iniswipe agad credit card niya bumili ng 88,000 pesos na CP sa Marikina siya bumili,” saad sa post ni Garcia.
“Ginaya po pirma and name ng client ko sa resibo. Pero ang address nilagay Quezon City. Taga Antipolo po may ari ng credit card at wallet. Pashare po. Makakatulong po tayo if masishare natin FB friends,” dagdag pa niya.