Advertisers

Advertisers

ITANONG NATIN SA PNP

0 18

Advertisers

MALAKING dagok sa sistema ng gobyerno ng Pinas sakaling mapatunayan ang bintang laban kay Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac.

Kutob kasi ng maraming Senador na hindi tunay na Pinay o Tsinoy man lang ang nasabing alkalde batay sa mga pagdinig sa Senado na nag-ugat sa operasyon ng POGO sa naturang bayan.

Ang POGO naman ay puwede maging ligal kung ito ay may kaukulang permiso mula sa ilang ahensya ng ating gobyerno lalo na sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) subalit kakaiba raw itong nasa bayan ng Bamban.



Kakaiba ang operasyon ng POGO sa Bamban kung saan idinawit si Guo dahil mayroon mga sumbong na nakarating sa pulisya at sa iba pang ‘law enforcement agencies’ na may krimen na nagaganap doon maliban sa pasugalan.

Ngayon… dahil nagduda ang gobyerno sa tunay na katauhan ni Guo kaya maraming dokumento ang lumalabas na nagsasabing isang tunay na Intsik ang alkalde pero naging Mayor ito ng Bamban.

Nang dahil dito ay lundag ang Commission on Elections (COMELEC) sa pagbibigay ng paliwanag kung paano naging kwalipikadong maging Mayor si Guo kung totoong hindi ito isang Pinay.

Lundag din ang Philippine Statistics Authority (PSA) nang dahil sa mga dokumentong mula sa kanilang tanggapan gaya ng Birth Certificate ni Guo kabilang na ang Marriage Certificate ng mga magulang nito.

Nahulog naman [yata] sa kanilang kinauupuan ang mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) kung paano nakalusot sa kanilang mga kamay si Guo gayung sinasabing isa itong Intsik.



Marami pang mga ahensiya ng gobyerno ang nadamay sa isyung kinasangkutan ni Guo na sinuspinde na ngayon ng Ombudsman habang isinasagawa ang imbestigasyon pero may usap-usapan doon sa tindahan na nakalusot din ito sa pulisya.

Pinaboran daw ng Philippine National Police (PNP) nang bigyan nila si Guo at ibang pang mga Intsik na tulad niya na magmay-ari ng mga baril kahit mga ‘High Powered Firearms’. Kaya raw nasira ang ‘computer system’ dahil ‘naglilinis’ ng datos ang PNP… totoo ba ito, PNP Chief?

***

Para sa komento o suhestiyon: eksperto1971@gmail.com