Advertisers

Advertisers

‘Top 4 Most Wanted,’ nadakip sa SACLEO

0 90

Advertisers

BUMAGSAK sa kamay ng mga awtoridad ang No. 4 Most Wanted Person (Regional level, 1st Quarter, CY 2024) sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng kinakaharap nitong five counts of rape (Art. 266-A) at two counts of acts of lasciviousness sa ilalim ng Art. 335 ng Revised Penal Code (RPC) in rel. to Sec. 5 (B), RA 7610.

Naaresto ang suspek na si Don Mullon Navarro, 24, ng No. 14 Lantawan St., Brgy. Doña Imelda, Quezon City, sa operasyong isinagawa ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) noong June 11, 2024, dakong alas-12:55ng madaling araw, sa pamumuno ni District Police Intelligence and Operations Unit (DPIOU) chief PMaj. Kevin Rey D. Bautista at sa ilalim ng direktang pamamahala ni PCol. Mario L. Mayames Jr., C, CID/D2-Manila Police District (MPD),

Ayon kay Bautista, ang suspek ay nahaharap sa kasong five counts of rape na may Criminal Case No. R-QZN-22-01867 hanggang 71-CR. at walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.



Nahaharap din ang suspek sa two counts of acts of lasciviousness na may Criminal Case No. R-QZN-22-01872 hanggang 73-CR, kung saan halagang P360, 000.00 ang piyansang inirekomenda ni Hon. Jose L. Bautista Jr., Presiding Judge, RTC Branch 107-Quezon City na may petsang April 5, 2022.

Napag-alaman na naaresto ang suspek sa harapan ng Blk. 3A Lot 05, North Olympus Subdivision, Novaliches, Quezon City.

Ipinaunawa ng pulisya sa naarestong akusado ang kanyang kaso at binasahan rin ito ng kanyang ‘Constitutional Rights’ sa Tagalog sa ilalim ng R.A. 7438 at naintindihan naman ng akusado ang mga sinabi sa kanya ng awtoridad. (JERRY S. TAN)