Advertisers

Advertisers

Heart nagpaka-ermat sa prom ng stepdaughter 

0 16

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

NAGING punong abala si Heart Evangelista sa first prom ng stepdaughter na si Chesi.

Kita sa ibinahagi nitong video clip sa kanyang IG ang pag aasikaso nito sa stepdaughter.



As in, hinanda nito lahat ng gagamitin ni Chesi sa kanyang unang prom.

Nandiyan din na inayos nito ang buhok ng stepdaughter at siya rin ang nag-make up.

Sa ibinahagi pa nga ni Heart na video ay may caption pa ito na ‘a baby is now a lady.’

Ipinadama ni Heart ang kanyang suporta kay Chesi at talagang nagpaka-ina ito sa stepdaughter.

Marami namang natuwa sa bonding nina Chesi at Heart.



Umani ng sandamakmak na papuri si  Heart sa full support sa kanyang prom.

Lalo nang tuwang tuwa si Senate President Chiz Escudero sa suporta ng misis na si Heart sa kanilang anak.

.***

Martin Del Rosario ibinuking ng tiyahing si Ces Quesada

MISMONG ang tiyahin ni Martin Del Rosario na si Ces Quesada ang nagbuking sa kanyang pamangkin.

Sey ng veteran actress sa kanyang panayam na ever since ay napakamalihim or masekreto raw  si Martin.

Kung lovelife ang pag uusapan ay di raw naging  open si Martin.

Patotoo pa ng tiyahin na wala pa itong ipinakikilala sa kanila.

Minsan nga ay tiyahin pa ni Martin at ilang kaanak ang nagsasabi na kailan daw kaya nila makikilala ang iniirog nito.